^

Pang Movies

Halikan nina Yassi at Andre, tinalbugan daw ang tikiman nina Derek at Kiray

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Malakas ang kutob ng mga nakapanood sa Girlfriend For Hire na malaki ang posibilidad na magkagustuhan sina Yassi Pressman at Andre Paras.

Naloka ang mga nanood ng launching movie ng YaNdre loveteam ng dalawa dahil hindi nila inaasahan na may sizzling kissing scenes sina Yassi at Andre.

Walang naniniwala na hindi pa nararanasan ni Andre na magkaroon ng girlfriend dahil sa ipinakita niya na talent sa paghalik kay Yassi sa tender moments nila sa Girlfriend For Hire

May mga komento na kinabog ng halikan nina Yassi at Andre ang kissing scene nina Kiray Celis at Derek Ramsay sa Love Is Blind.

To see is to believe. Watch ninyo ang Girlfriend For Hire at alamin kung bakit big deal ang halikan portion nina Yassi at Andre.

Ara kinarir na ang pagiging nanay sa mga teenager

Walang masama kung tumatanggap na ng mother roles si Ara Mina dahil noon pa siya nag-graduate sa pagpapaseksi.

Si Ara ang nanay ni Donnalyn Bartolome at tiya ni Yassi Pressman sa Girlfriend For Hire ng Viva Films.

Sa Tasya Fantasya naman, nanay pa rin ang role ni Ara at tatlo ang kanyang anak na pawang mga teenager.

Kasama si Ara sa cast ng Ang Panday at nanay naman ni Carlos Agassi ang role niya kahit ilang buwan lamang ang kanyang tanda sa aktor. Parehong hindi umapir sina Ara at Carlos sa presscon ng Ang Panday.

Ang Tasya Fantasya at Ang Panday ang dalawa sa mga bagong programa ng TV5 at Viva Entertainment. Contract star si Ara ng Viva Artists Agency kaya hindi siya nawawalan ng mga project sa Viva Films at Viva TV.

Manny dalawang laban ang pinaghahandaan

Nagsimula nang mag-training si Congressman Manny Pacquiao para sa laban nila ni Timothy Bradley sa April 9.

Hindi muna lumalayo si Papa Manny dahil kailangan siya sa mga campaign sortie ng UNA, ang partido na kinabibilangan niya.

Inumpisahan ni Papa Manny ang kanyang training sa bahay niya sa Forbes Park, Makati City.

Nag-jogging si Papa Manny sa paligid ng Forbes Park at dahil malakas ang resistensya niya, sumuko ang kanyang mga kasama sa pagtakbo.

Dalawang importanteng laban ang magkasunod na buwan na haharapin ni Papa Manny, ang boxing fight nila ni Bradley sa April 9. at ang senatorial candidacy niya sa eleksyon sa May 9.

Na-inspire kay Pia Miss World candidate noong 2013 sasabak uli sa Miss U

Si Miss USA Olivia Jordan ang closest friend ngayon ni Miss Universe Pia Wurtzbach dahil madalas sila na magkasama sa mga event sa Amerika at parehong nasa pangangalaga ng Miss Universe Organization.

Pareho ng kapalaran ang dalawa dahil beterana rin pala sa mga beauty contest si Olivia na official candidate ng Miss World 2013 pero hindi nag-win.

Dalawang Pinay na ang tumalo kay Olivia, si Megan Young, ang winner ng Miss World 2013 at si Pia, ang reigning Miss Universe.

May tsismis na sasali sa Bb. Pilipinas ang isang winner ng Miss World Philippines pero tahimik pa ang kampo ng girl. Uso ngayon sa mga talunan sa beauty contest ang muling pagsali dahil inspirasyon nila si Pia na hindi sumuko hanggang masungkit nito ang Miss Universe crown.

Walang ipinagkaiba ang mundo ng mga beauty contest sa showbiz world. Marami sa mga artista ang hindi kaagad nabiyayaan ng suwerte noong nag-uumpisa sila pero bumongga ang career nang mabigyan ng second chance at mga buhay na halimbawa sina Coco Martin at Marian Rivera.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with