^

Pang Movies

Pinapaboran naman ng ate Jasmine aminadong matagal na silang sweet ni Erwan!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa grand presscon ng Ang Panday ay hindi pinalampas ng entertainment press na tanungin ang isa sa leading ladies ni Richard Gutierrez na si Jasmine Curtis-Smith tungkol sa controversy niya with sister Anne Curtis at boyfriend nitong si Erwan Heussaff.

Matatandaang naging kontrobersyal ang picture na ipinost ni Jasmine kung saan ay makikita na kayakap at hinahalikan siya ni Erwan. Kung anu-anong batikos ang natanggap ng dalaga at nilagyan ng malisya ang larawan.

“I can’t blame them but they don’t know us personally. We’ve been like that way ever since at hindi siya biglaan na may na-develop na ganung closeness.

“Naging malaking isyu siya sa public, unavoidable, yun lang,” pahayag ni Jasmine.

Ang daming ikinabit na bansag sa kanya dahil sa post na ‘yun. Tinawag siyang haliparot, malandi, etcetera. Paano niya na-take ‘yun?

“Oo, ‘yun lang, hurtful but I don’t know them personally and they don’t know me personally.

“And like I’ve said, the relationship between the three of us is always that way so there’s no really no other way that it should have been taken.

“Pero nga, hindi naman nila kasi alam talaga ‘yung dynamics,” sey ng young actress.

When asked kung iniyakan ba niya ang issue, sagot ni Jas ay natatawa na nga lang daw sila ng ate niya at ni Erwan.

“No, hindi talaga ako affected sa issue. More than anything siguro, kinukuwestiyon ko lang paano naging ganun ang isip ng mga tao.

“People don’t understand the dynamic of what happened and the screenshot, not the whole video of what happened and it can be interpreted in so many ways so I can’t blame them.”

When it comes to posting sa social media, ayon sa young actress, “I’ve always been conscious but I’m not playing it safe and I don’t have to worry about what people say because I’m not doing anything.”

Samantala, aminado si Jasmine na nabigla siya nang malaman niyang isa siya sa magiging leading ladies ni Richard sa Ang Panday,

 “Parang hindi ko sure kung kaya (ko), but at the end of the day, this is my work, this is what I like doing, so there’s nothing I can’t handle naman professionally I guess when it comes to being an actress.

 “Kailangan lang kayanin ko ‘yun and I trust naman the team, I trust din Richard also that we’re gonna work well together and there’s no reason to say no to a project like Panday,” she said.

Aware naman si Jasmine na talagang maiisip ng tao na dating ang kapatid niyang si Anne ang leading lady ni Chard at naging magkarelasyon pa nga pero anang aktres, matagal na ‘yun at iba naman daw ang work.

 “You set aside what’s personal from your work so that you can perform properly,” she said.

Chiz time-out muna sa kampanya para sa anibersaryo nila ni Heart

Sa Pebrero 15 na ang unang anibersaryo ng kasal nila ni Heart Evangelista pero feeling bagong kasal pa rin si Sen. Chiz Escudero.

Sa katunayan, magpapahinga ng saglit si Chiz sa pangangampanya sa weekend para ipagdiwang ang kaarawan ni Heart (Peb. 14) at pati na rin ang wedding anniversary nilang mag-asawa sa Sorsogon.

“Alam mo, kaming mga bagong kasal, hindi trabaho ang iniisip,” biro ni Chiz sa isang panayam.

Mauuna raw umuwi sila Heart sa Sorsogon sa Biyernes (Peb. 12) at susunod na lang si Chiz sa Sabado (Peb. 13).

“Pupunta kami ni Heart sa Sorsogon. They’ll be going ahead of me. Friday pa lang siguro uuwi na siya ng Sorsogon. I’ll follow on Saturday,” sey ni Chiz.

Hahabol na lang daw si Chiz sa kampanya ng Partido Galing at Puso ni Sen. Grace Poe sa Lunes sa probinsiya ng Ifugao, ayon kay Chiz.

Sey ni Chiz, nararapat lang na sa Sorsogon sila mag-celebrate ng anniversary ni Heart dahil doon naganap ang mga importanteng pangyayari sa kanilang buhay pag-ibig.

Nauna nang kinansela ng mag-asawa ang kanilang sana’y planong renewal of wedding vows dahil ayaw nilang makulayan ng pulitika ang okasyon lalo na at tumatakbong bise presidente si Chiz.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with