^

Pang Movies

Lucky Aces, kauna-unahang Dance Kids grand champion

Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagwagi bilang kauna-unahang grand champion ng talent-reality competition na Dance Kids ang hip-hop duo mula Canada na Lucky Aces noong Linggo ng gabi matapos nilang makuha ang pinakamataas na porsiyento ng mga boto mula sa publiko sa Final Showdown ng programa na idinaos sa Newport Performing Arts Theater.

Nakakuha ng 42.69% ng mga boto ang Filipino-Canadian duo, at tinalo ang dubstep dancer na si Dhao Mac (29.62%) at ang dance sport duo na Step Kids (27.69%).

Ang Lucky Aces, na kinabibilangan ng 12 anyos na sina Lucky Ancheta at AC Bonifacio, ay nag-uwi ng P2 milyon, house and lot, isang family trip to Hong Kong, shopping spree na nagkakahalagang P300,000, at Star Magic contract.

Para sa kanilang final performance, pinaliyab ng Lucky Aces ang entablado kasama ang isa sa Dance Masters ng programa na si Georcelle Dapat-Sy at Enrique Gil noong Sabado, at ang hip-hop group naman na A-Team noong Linggo.

Nakahataw naman ng second placer na si Dhao Mac sina Vhong Navarro at Rayver Cruz, habang nakipag-team up naman ang Step Kids kina Andy Alviz at Maja Salvador.

Pareho namang nagwagi si Dhao Mac at ang Step Kids ng P100,000.

Ang Dance Kids Final Showdown ay pinangunahan ng hosts na sina Robi Domingo at Alex Gonzaga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with