^

Pang Movies

Habang pinagpapahinga ng GMA Jennylyn malamang masulot

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Naka-four shooting days na ang pelikulang pinagtatambalan nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz sa Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN.

Isang Kapuso si Jennylyn at marami ang nagtaka kung bakit siya kinuha ng Star Cinema at ipinareha pa ang top actor nilang si Lloydie, huh!

May ibang mga nagdududa na baka may co-producer ang Star Cinema sa pelikulang ‘yun, kaya bida roon si Jennylyn.

Pero hindi!

Solo movie ‘yun ng Star Cinema at talaga raw kinuha nila si Jennylyn dahil naniniwala sila sa galing ng aktres at sa lakas nito sa box-office.

Remember, tumiba nang husto ang film outfit ni Atty. Joji Alonso sa dalawang pelikulang pinagbidahan ni Jennylyn sa Metro Manila Film Festival (MMFF), isa noong 2014 at isa nitong 2015.

Ang #WalangForever nga nina Jennylyn at Jericho Rosales ang sinasa­bing pang-number four noong MMFF 2015 at tinalbugan ang pelikula ni Kris Aquino, ‘noh!

Ngayon nga pala na kinuha na si Jennylyn ng film outfit ng Kapamilya network, aba, dapat nang kumilos ang GMA 7 at alagaan talaga ang aktres at bigyan ng magagandang proyekto dahil patunay lang ang ginawa ng Star Cinema para ituring na important star ng Kapuso network ang aktres na produkto ng kauna-unahang StarStruck.

Dapat isipan ng Siyete ng magandang primetime project si Jennylyn para lalo pa siyang sumikat!

At sana lang, huwag mapunta si Jennylyn sa ibang TV network, huh!

Kiray kailangan ng additional na boobs

Isa si Kiray Celis sa mga artistang dapat daw magpa-enhance ng kanyang boobs.

Kapag naka-tube lang kasi si Kiray, obvious na obvious ang kanyang pagiging flat chested.

Sa isang presscon nga ng pelikulang Love Is Blind ay kitang-kita na dapang-dapa ang chest ni Kiray.

“Wala po talaga,” reaksyon ni Kiray nang sabihan na maliit ang kanyang boobs.

Sa personality naman ni Kiray, hindi ako magtataka kung dumating ang araw na umumbok na ang kanyang chest dahil nagpadagdag na siya ng boobs.

Anyway, ngayon ang opening day sa mga sinehan ng Love Is Blind.

Maiintindihan daw ni Sarah Richard payag makipaglaplapan kina Sam, Bangs, at Jasmine

Walang problema si Richard Gutierrez kung i-require man siya ni Direk Mac Alejandre na magkaroon ng kissing scenes sa Ang Panday leading ladies niya na sina Sam Pinto, Bangs Garcia, at Jasmine Curtis-Smith.

Lahat daw kasi ay puwede niyang gawin para sa pinakabago niyang fantasreye sa TV5 na magsisimula nang ipalabas sa February 29.

Wala raw siyang limitations sa Ang Panday.

Pagdating daw sa kissing scenes, alam daw niyang hindi naman magre-react si Sarah Lahbati dahil trabaho lang naman daw ang ginagawa niya.

Professional daw siya bilang artista at dahil artista rin si Sarah, naiintindihan nito ang trabaho niya.

Ikinuwento rin ni Richard na masaya si Sarah na magbabalik-primetime TV na siya sa pamamagitan ng Ang Panday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with