^

Pang Movies

Marian babawiin ang trono kay Yaya Dub!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Si Maine Mendoza aka Yaya Dub na nga ba ang nakaupo sa dating trono ni Ma­rian Ri­vera? Hindi kapani-paniwalang sa ilang buwang pagkawala ni Yan Yan dahil sa pagbubuntis at panganganak ay nasungkit na ni Maine ang trono niya dahil sa kalyeserye. Pati mga endorsement ay nasungkit na nila ng kaparehang si Alden Richards.

Ngayong magbabalik na si Marian, mabawi pa kaya niya ang titulong hinawakan nila dati ng mister na si Dingdong Dantes? I’m sure magagawa ‘yan ni Marian.

May napatunayan na si Marian ‘di ba. May mga patok na siyang pelikula at mga teleserye.

Phillip wala nang atrasan ang pagbangga kay Daniel

Totohanan na talaga ang banggaan ng dalawang aktor sa pagka-Vice Governor ng Bulacan. Ang kasalukuyang Vice Governor na si Daniel Fernando at ang bagong kumakandidatong action star na si Phillip Salvador. Teammate naman ni Ipe ang Bulacan ex-Governor na si Josie dela Cruz.

Daan-daang bata libreng napabinyagan

Naimbitahan kami last Sunday ni Baliuag, Bulacan Mayor Dra. Carol Delloza sa isang binyagang bayan kung saan 250 bata ang sabay-sabay na bininyagan sa Baliuag Pa­rish Church. Bukod sa libreng binyag ay nagpahanda ng maraming pagkain si Mayor Carol courtesy of Gloria Romero restaurant catering sa Baliuag.

Maraming opisyales ng Municipality of Baliuag ang dumating kabilang si Vice Mayor Cris Clemente at mga konsehal. Nandun din ang da­ting Vice Mayor na si Cecille Quimpo na kaibigan ng mga taga-showbiz. Nakita namin kung gaano kaligaya ang mga magulang ng batang napabinyagan sa tulong ni Mayor Carol.

Senior citizens nakakalibre ng exposure sa show ni Willie

Libreng saya’t at kaway ng senior citizens ang kalamangan ni Willie Revillame sa mga katungga­ling programa nito. Habang nag-iinterbyu si Willie ay libreng kumakaway-kaway ang mga nasa likuran ng TV host.

Kahit sino ay maaaring sumali sa mga pa-contest, maging guwapo o hindi ay naidi-display ng mga contestant ang kanilang talento.

                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with