^

Pang Movies

‘New blood’ dapat bigyan ng pagkakataon mga namumuno sa MMFF na hindi aktibo, dapat pagpahingahin!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Umaasa ang film producer na si Dondon Monteverde na magkakaroon na ng mga pagbabago sa susunod na Metro Manila Film Festival (MMFF). Iyan din ang hinihingi ng mga lehitimong aktibong lider ng industriya ng pelikulang Pilipino. Ang industriya kasi ay may mga kinikilalang mga dating lider na hanggang ngayon ay aktibo pa rin sa kanilang mga pamumuno, pero hindi na aktibo sa paggawa ng pelikula. Iyon naman ang inaangal ng mga nasa industriya pa. Dahil hindi na raw alam ng mga sinasabing naunang lider ang tunay na kalagayan ng industriya ngayon.

Dalawa lang ang magagawa sa problemang iyan. Bigyang daan na sana nila sa pamumuno ang younger breed, iyong mga guma­gawa pa ng pelikula. Sinasabi nga kasi nila, hindi na responsive ang liderato dahil iba na ang panahon ngayon, hindi na aktibo ang ilang namumuno. Ang isa sa mga reklamo nila, ano nga ba ang mangyayari sa mga film festival, hindi lang ang MMFF kundi ang iba pa, kung ang nangangasiwa sa mga iyon ay mga retired film producers?

Ang isa pang magagawa para patunayan ang kanilang pamumuno, sana ay gumawa naman ng pelikula ang mga kinikilalang beterano na sa pelikula. At saka gumawa sila ng pelikula nang totohanan, hindi kagaya ng iba na sumusulpot lang kung may festival.

Sa parte ng gobyerno, siguro naman magkakaroon iyan ng pagbabago dahil mahigit isang daang araw na lang at madidispatsa na lahat ng mga nasa MMDA, dahil lahat naman ng mga iyan ay mga presidential appointees. Papalitan iyan dahil sa mga problema, hindi lang sa MMFF kundi lalo na sa traffic at iba pang problema sa lansangan ng Metro Manila.

Sana lang magsabay-sabay ang pagbabago para magkaroon tayo ng mas matinong film festivals, at mas matinong mga pelikula sa mga susunod na taon.

James hinahabol ng mga dating tumangging bigyan siya ng endorsement

Isang advertising man ang nagkuwento sa amin na noon daw nagsisimula nang sumikat si James Reid ay inirekumenda niya ito sa isang company para maging endorser. Diretsahan daw siyang sinabihan ng client na mas gusto nilang endorser ang isang mas sikat na matinee idol. Ngayon daw, ang client na iyon pa ang nagsabi sa kanila na kunin na si James Reid para sa kanyang produkto.

Ganoon lang kasimple ang kanyang kuwento, pero isang simpleng one plus one ang pumasok sa isip namin, hindi kaya nangyari iyon dahil sa palagay nila ay nalampasan na ng popularidad ni James Reid ang matinee idol na noong una ay mas sikat sa kanya?

Gusto na sana naming gumawa ng conclusion at sagutin ang sarili naming tanong, pero ang sabi nga ng kaibigan naming advertising man, maghintay pa raw kami ng ilang buwan pa bago namin tuldukan ang aming conclusion. Pero naniniwala rin siya na doon na nga patungo iyon.

Actually, may mga ipinakita sa amin na confidential advertising data na makapagpapatunay ng aming suspetsa, pero sinasabi nga niyang unless mangyari na ang lahat ng iyon, hindi mo masasa­bing ganoon na nga. Kasi may panahon din naman na puro negative ang lumalabas tungkol kay James Reid at kung mauulit iyon ay maaaring mabaliktad ang sitwasyon.

Pero sa totoo lang, nagulat kami. Hindi namin namamalayan na ganoon na pala kalaki ang agwat ng kanilang popularidad. Sinasabi nila na from number 3 six months ago, number two na nga­yon si James Reid. Ang number one, bagama’t nabawasan na ng kaunti ang popularidad ay nananatili sa ganoong posisyon pa rin. Ang dating number one, na naging number 2 six months ago, siya na ang number 3.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with