^

Pang Movies

Richard tinuhog ang magkapatid na Anne at Jasmine! Panday nakakalula ang produksiyon

Jun Nardo - Pang-masa

Tawag pa lang ang natanggap ni Ri­chard Gutierrez na siya ang lalabas bilang bagong Panday, nakadama agad siya ng pressure.

Nang makausap na ni Chard sina Boss Vic del Rosario at creator ng Panday na si Carlo J. Caparas, “Na-realize ko na this is the right project in the right timing, I’ll just do my best!”

Ipinakita sa grand presscon ng TV fantaserye ang trailer at bagong look ni Richard bilang Panday. Nakakalula ang produksyon nito na pinalakpakan ng media. After ilang taon kasing napahinga sa paggawa ng series, ngayon lang muling mapapanood sa primetime ang binabansagang Primetime King ng TV5, huh!

“I’m prepared for the show and I am surrounded by very supportive people I really admire. So I am really confident. And it’s timing. Perfect timing!

“Matagal akong nawala pero heto na ‘yun. Heto na ‘yun. I’m here!” pahayag ni Richard sa presscon ng series.

Concentrated daw siya ngayon sa Panday. Wala siyang iniisip na ibang trabaho kundi ito.

“Buong pagkatao ko ngayon, devoted sa Panday. And in the last two years, kinailangan ko rin ‘yon eh. As a person, kinailangan to step back to see where I am. I assessed everything. Kinailangan ko ‘yung two years na ‘yon. At ngayon, I’m back!” saad pa ng actor.

Iba-iba man ang characters na ginampanan niya gaya ng Captain Barbell, Mulawin, Zorro at iba pa, lahat ng ‘yon ay nakatatak sa puso niya at hindi mawawala sa puso niya.

Pagdating sa kaparehang babae, sina Jasmine Curtis-Smith, Sam Pinto, at Bangs Garcia ang makakaniig ni Chard sa luma at makabagong panahon.

After ng sister na si Anne Curtis, si Jasmine naman ang kapareha ng actor.

“Initially, siyempre, nabigla ako. Parang hindi ko sure kung kaya but at the end of the day, this is my work. This is I want to do. Kailangan lang kayanin ko ‘yon.

“I haven’t started taping yet kaya hindi ko pa alam kung paano kami together. But in terms of ngayon, hindi ako kinabahan,” sagot niya.

Sa parte naman ni Bangs, wala raw conflict sa home network niya sa paglabas niya sa TV5. Teka, ikakasal na siya eh wala bang conflict sa preparasyon?

“Next year pa po. I’m not getting married this year. January pa. Siyempre sa Boracay magaganap dahil doon kami nag-meet ng boyfriend ko,” rason ni Bangs.

Sa panig ni Sam, nakatrabaho na niya si Chard sa Captain Barbell. “Viva asked me which I like, fantaserye o drama. I chose Panday.

“Wala namang problema sa amin ni Chard kung magkaroon kami ng intimate scenes. Eh, sa TV naman ito kaya I know that it will be in good taste,” sabi ni Sam.

Mapapanood na ang pagbabalik ng Ang Panday sa February 29, 9:00 PM at sa weeknights nito ay 8:30 PM after ng PBA Games. Mula sa direksyon ni Mac Alejandre ang bagong Ang Panday.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with