^

Pang Movies

Premiere ng pelikula nina Andre at Yassi nasapul ng mga proclamation rally

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Maraming ganap kahapon dahil sa magkasunod na presscon ng Ang Panday ng TV5/Viva at Lipsync Battle Philippines ng GMA 7.

Kaliwa’t kanan din ang mga kick off rally ng Liberal Party sa Capiz at Iloilo, UNA sa Mandaluyong City at Partido Galing at Puso sa Plaza Miranda, Quiapo.

Present ang mga artista sa mga proclamation rally ng mga nasabing political party kaya dinumog ito ng mga tao.

Inabot nang gabi ang mga proclamation rally at nasapol nito ang red carpet premiere ng Girlfriend For Hire sa SM Megamall Cinema.

Maaga na nagsimula ang special screening ng Girlfriend For Hire dahil dumalo ang mga bossing ng SMDC na co-producer ng pelikula ng Viva Films na tinatampukan nina Andre Paras at Yassi Pressman.

Parang isang masamang panaginip showbiz personality kinasuhan ng child abuse

Narinig ko kahapon sa presscon ng Ang Panday ang kuwento tungkol sa tangka na pang-aabuso ng isang showbiz personality sa mhin na menor de edad.

Ang dinig ko, naka-file na ang kaso na hinaharap ng showbiz personality na kinuha ang serbisyo ng isang high profile lawyer.

Nasubaybayan ko ang paglaki ng showbiz personality na nagmula sa isang mabu­ting pamilya kaya umaasa ako na malalampasan niya ang ma­tinding pagsubok na pinagdaraanan. May nakapagsabi sa akin na na-traumatized nang husto ang showbiz personality sa karanasan niya na parang isang masama na panaginip.

Christopher hindi nagpahuli sa kaguwapuhan ni Richard

Hindi lamang si Richard Gu­tierrez ang poging-pogi kahapon sa presscon ng Ang Panday dahil guwapong-guwapo rin si Christopher de Leon.

Si Christopher ang kontra­bida ni Richard sa Ang Panday at ito ang first time na magkakasama sila sa isang teleserye.

Hindi makikilala si Christopher sa mga eksena nito sa Ang Panday dahil binago ang kanyang hitsura. Iniba rin ni Christopher ang pagganap niya sa karakter ni Lizar­do.

Alam ko na inspired si Christopher sa role niya sa coming soon primetime show ng TV5 at Viva dahil bukod sa dumalo siya sa presscon, nakipagkuwentuhan siya sa mga reporter na na-miss siya nang husto.

Niño tinantanan na ang pagbuntot kay alonzo

Nanibago ang mga reporter dahil hindi kasama si Niño Muhlach ng kanyang anak na si Alonzo sa presscon ng Ang Panday.

Nasanay na kasi ang mga reporter na palaging magkasama ang mag-ama sa mga showbiz event.

Wala nang puwedeng mag-dialogue na package deal sina Alonzo at Niño dahil hindi ito kasali sa cast ng Ang Panday.

Tanging ang kanyang anak na si Alonzo ang mapapanood sa Ang Panday bilang sidekick ni Richard.

Jasmine pinagtawanan ang ikskandalo nila ni Erwan

Mabenta si Jasmine Curtis Smith sa presscon ng Ang Panday dahil sa isyu nila ni Erwan Heussaff, ang boyfriend ng kanyang kapatid na si Anne Curtis.

Pinagpistahan ng mga tsismosa ang controversial picture nina Erwan at Jasmine na agad na binura nito dahil nagmalisya ang mga nakakita.

Hindi affected sina Jasmine, Anne, at Erwan sa mga pang-iintriga dahil mas importante na alam nila ang buong katotohanan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with