^

Pang Movies

Richard: I’m back and I’m ready!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kahapon ay ginanap na ang bongga at engrandeng presscon ng Ang Panday na siyang magbabalik kay Richard Gutierrez sa paggawa ng tele­serye at siya ring pagbabalik niya sa primetime, this time ay sa TV5 naman.

Ipinakita ang trailer ng serye at sa totoo lang, napakaganda ng pagkakagawa ni Direk Mac Alejandre at halatang ginastusan talaga ng Viva Communications, Inc. at TV5. Parang pelikula nga ang dating at totoo ang sabi ni Direk Carlo J. Caparas (the creator of Ang Panday) nang huli namin siyang makapanayam na modernized version ang remake na ito na as we all know ay unang isinapelikula ni yumaong Da King Fernando Poe, Jr.

Siyempre, super-excited si Chard at say nga niya, nang i-offer ng TV5 sa kanya ang proyekto, sobrang happy niya at hindi makapaniwala na siya ang napili ng Viva at ng TV5.

“Siyempre, may pressure when I got the phone call. Actually, medyo matagal nag-sink in sa akin, na “totoo ba ito, gagawin ko ‘yung Panday?” alam mo ‘yun? But nung na-realize ko na this is the right project, this is the right time and from the moment na nakausap ko si Direk Carlo J. Caparas, si Boss Vic del Rosario, the moment they confirmed na ako na ang susunod na Panday, from that day on until now, I haven’t stopped working hard.”

Mas mahirap ba ang preparations niya ngayon sa Ang Panday kaysa sa mga dating fantaserye na ginawa niya?

“Preparation-wise, mahirap din naman ‘yung mga preparations ko dati pero siyempre now, mahirap din talaga kasi we’re not getting any younger so it’s kind of harder, you know and siyempre, ‘yung time management ko ngayon, you know, mas pinag-iisipan ko na ‘yung oras ko ngayon, ‘yung mga priorities ko mas marami na, so it’s all about time management and sulit naman.”

Kinakabahan ba siya sa kanyang pagbabalik sa primetime na ito?

“I’m excited more than kinakabahan. I’m excited dahil maganda ang project na ginawa namin, nakita n’yo naman sa trailer, pang-pelikula ‘yung gawa ni Direk Mac, so I’m very, very excited,” sey ni Richard.

Halos tatlong taon ding namahinga ang aktor sa pag-arte at sulit naman daw dahil sa pagbabalik niya, ganito pa kalaking proyekto ang ibinigay sa kanya.

Bukod dito, ang laki raw talaga ng nagawa sa kanya ng almost three years niyang pagla-lie low sa showbiz.

“Nagkaroon ako ng maraming oras sa pamilya ko, sa sarili ko. Nakita ko ‘yung totoong mga tao sa paligid ko at nare-evaluate ko ‘yung buhay ko and I needed that. Nakapag-travel ako, maraming mga realizations na nangyari sa akin at ngayon, I’m back and I’m ready”.

When asked kung ano ang reaksyon niya sa balitang si Derek Ramsay ang original choice for Ang Panday at tinanggihan daw nito kaya sa kanya napunta, ani Chard ay iba naman daw ang alam niya.

“Well, iba ang pagkakakuwento sa akin ni Direk Carlo J. Caparas. Narinig natin today kay Carlo J. Caparas na ako ‘yung first choice. Pero nagpapasalamat ako kay Derek dahil sa mga interviews niya, nababanggit niya ‘yung Panday at extra publicity sa amin ‘yun.

“Pero alam naman natin na teritoryo ko ang fantaserye,” pahayag ni Chard.

Tatlo ang leading ladies ng aktor sa Ang Panday, ito ay sina Sam Pinto, Bangs Garcia, at Jasmine Curtis-Smith habang si Christopher de Leon naman no less ang gaganap na Lizardo na mortal na kaaway ni Flavio.

Magsisimula na sa Feb. 29 ang Ang Panday at mapapanood weeknights (Monday to Friday) at 9 p.m.

‘Di pala basta-basta Sen. Grace kahit malumanay at mahinhin magsalita, black belter pala!

Kilala ang namayapang Hari ng Pelikulang Pilipino Fernando Poe, Jr. sa kanyang mala-rapidong mga suntok at sa pagpompyang ng kanyang mga palad sa mukha ng mga kontrabida sa pelikula.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit pinag-aral ni Da King ng taekwondo ang anak na si Sen. Grace Poe nang ito ay bata pa.

Sa katunayan, isang blackbelter si Grace kahit hindi ito halata sa kanyang mahinhin at balingkinitang pangangatawan.

“Importante sa tatay ko na talagang kaya mong depensahan ang sarili mo at saka kahit malumanay kang magsalita ay hindi ka rin naman magpapaapi,” sey ni Grace sa isang panayam.

Kaya naman kahit isa siyang babae, si Grace daw mismo ang mangunguna sa kampanya laban sa droga at kriminalidad kung siya ay maging pangulo ng bansa.

“Ako na mismo, kung ako ang pangulo, ang tututok sa PDEA, PNP, military, kung sino man, kung national security threat kagaya ng droga,” pagtitiyak ng senadora.

“Hindi lang ako mukhang masyadong brusko. Pero, huwag ninyong kalilimutan na ang nagpalaki sa akin ay si FPJ,” dagdag pa ni Grace.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with