^

Pang Movies

Liza at Enrique, hindi pa kilala ang isa’t isa

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Oo naman, dapat lang magbalik sa primetime ang pinakabagong love team ng TV series na sina Liza Soberano at Enrique Gil, na hinangaan at minahal sa top rating TV series ng ABS-CBN, ang For­evermore.  

Sa totoo lang kahit in real life, swak na swak sila. Sabi pa nga fans nila ay hindi sila hahadlang kung silang dalawa na ang maging forever.  

Balik-primetime series sila sa bagong seryeng Dolce Amore. Ang nasabing new series ay hitik sa drama at pagmamahalan, sila ang mga taong pinaghiwalay ng tadhana na naghahanap ng kani-kanilang tunay na katauhan.  

Makikita ulit natin si Direk Edgar “Bobot” Mortiz na gaganap na adoptive tatay ni Enrique na kapamilya naman sina Rio Locsin at Kean Cipriano.  

Kasama pa sina Cherie Gil, Mateo Guidicelli, Ruben Soriquez, Sunshine Cruz, Andrew E, at Frenchie Dy.  

Suwerte ang manager ni Liza, si katotong Ogie Diaz, ang prinsipe ng Biñan, Laguna, na very successful din ang career as TV personality.  E, kasi nagagamit niya ang husay niyang mag-host at magkomedya.

Get well soon…

Get well soon, Vero Samio.  Hahaplusin ka ni Saint Padre Pio Capuchin.  Nasa ward 314 FEU Hospital sila sa Fairview, Quezon City.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with