^

Pang Movies

Shocking… aktor nakabuntis daw ng iba kaya hiniwalayan ng dyowang aktres!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Medyo na-shock din kami sa balitang sa real reason ng break-up ng dating lovely couple na akala ng marami at ng kanilang fans ay sa altar na ang tuloy.  Totoo ba ang balitang ang real reason ng split-up ay dahil may nabuntis ang guy na isang non-showbiz girl? 

Hindi raw lumabas ito dahil parehong nagtakip sa isa’t isa ang dating mag-sweetheart. Kahit ano’ng tanong sa dalawa, ang lagi lamang nilang isinasagot, mayroon lamang silang pinagdaraanan pero inaayos na nila ang kanilang sitwasyon.

Sa ngayon, wishing pa rin ang kanilang fans na hindi totoo ang balita at muli silang magkabalikan.

Ayon sa mga Chinese Alden at Maine, meant to be

Nagsimula na nga ang Chinese New Year kahapon at ikinatuwa ng fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang inilabas ng ChinesefortuneCalendar.com tungkol sa mga bida ng kalyeserye sa Eat Bulaga.

Para sa kanila, destiny talaga ang naglapit kina Alden at Maine. 

Maine belongs to the Year of the Pig at ang prediction sa kanya, she will have a more defined path and clear goal/direction in work this year. She must be cautious and be humble to avoid any issue with the people around her. Her lovelife: it’s a good year for her to start a new relationship, at tinawagan pa nila si Alden, ano pa raw ang hinihintay nito.

Alden naman belongs to the Year of the Sheep. His career may face some obstacles this 2016 but as long as he does not do things alone, he can easi­ly overcome difficulties at work. As to his lovelife: his best matches are those born under the year of the Horse, Rabbit, and... Pig (hello, Maine). 

Starting July until August, he will probably have favorable luck in love life. 

Kaya kahapon, sa Eat Bulaga, iyon din ang biruan ng Dabarkads, sabi ni Allan K., good match talaga ang Sheep at Pig.

Erik gusto ng mysterious image, wala raw balak magpa-pictorial ng hubad

Walang balak si Erik Santos na rumampa sa Cosmo Bash, kahit may offer.  Nakausap si Erik noong presscon ng Royals with Martin Nievera, Angeline Quinto, at Ms. Regine Velasquez-Alcasid. 

Wala raw sa plano niya kahit magpa-pictorial lamang na hubad. Ang reason niya, isa raw siyang balladeer, naniniwala raw siyang bilang isang balladeer, dapat may mystery siyang iiwan sa mga tao. 

Kapag daw nakita na lahat sa iyo ng mga tao, ano pa ang susunod na hihingin sa kanya? Hindi raw bagay sa kanya iyon dahil ang mga kinakanta niya ay ballads, love songs at inspirational songs.  Minsan na rin daw may nag-offer sa kanyang mag-endorse ng underwear pero tinanggihan niya agad. 

Natawa si Erik, paano raw kung napakalaki ng talent fee na iaalok sa kanya. Mapag-uusapan daw, pero umiling si Erik, hindi pa rin daw niya tatanggapin.

Ang Royals concert ay gaganapin sa Saturday, February 13 sa SM Mall of Asia Arena.  Ang second night ay magaganap on Valentine’s Day sa Waterfront Hotel sa Cebu City. 

Ayon sa apat na royalties sa mundo ng pagkanta, kung ano raw ang mapapanood sa MOA, iyon din ang mapapanood sa Waterfront Hotel, wala na raw chance na magpalit pa sila ng repertoire dahil early morning of Sunday ang flight nila for Cebu.

Ang Valentine concert ay produced nina Anna Puno at Cacai Velasquez-Mitra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with