^

Pang Movies

Nasa bucket list, John Lloyd tinupad na ang pangarap ni Jennylyn, Angelica itsapwera na talaga

- Vinia Vivar - Pang-masa

Gumiling na ang camera para sa unang pelikulang pagsasamahan nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.

Kahapon ang first shooting day together nina Jen at Lloydie sa Pampanga at kinikilig na raw agad ang production team dahil ang lakas din daw ng chemistry ng dalawa.

Ang nakakatuwa, hindi muna in-introduce sa isa’t isa sina Jen at Lloydie before the shooting at sa take na mismo sila ng scene nagkita.

After the take ay doon lang daw nagpakilala sa isa’t isa ang dalawang bida.

Masayang-masaya and excited si Jen sa movie dahil bukod sa first time niya under Star Cinema at first time rin under Direk Cathy, natupad na rin ang dream niya na makasama si Lloydie sa isang pelikula.

Noon pa ay nasa bucket list na ni Jen na makatrabaho si Lloydie at akala niya ay imposible itong matupad dahil nga nasa magkaibang home network sila.

Pero heto nga ngayon at nangyari na kaya super thankful and blessed ang feeling ni Jen na napansin siya ng Star Cinema at bigyan ng movie.

May blessing of course ng GMA 7 ang paggawa ng movie ni Jen with Star Cinema aside at happy din ang network para sa aktres sa magagandang nangyayari sa career nito ngayon.

Wala pang working title ang Jen-Lloydie movie kung saan ay ginagampanan ng aktres ang role na ste­wardess-wannabe habang ang aktor naman ay isang piloto. Ngayong summer nakatakdang ipalabas ang Jen-Lloydie movie.

Erik willing kumanta sa kasal ng ex na si Rufa Mae

Kahapon sa presscon ng Royals Valentine concert ay natanong si Erik Santos sa reaksyon niya ngayong engaged na ang ex-girlfriend niyang si Rufa Mae Quinto at nakatakda nang pakasal.

Say ni Erik, sobrang happy siya for Peachy (tawag kay Rufa Mae) at deserving din naman daw ng ex-GF na maging maligaya.

 “Sana, magtuluy-tuloy na ang happiness niya because she really deserves to be happy,” say ni Erik.

Nalaman daw niya ang tungkol sa engagement ni Peachy two days ago.

 “Hindi ko po maintidihan ang mga posts niya, so I had to ask her cousin kung ano ba ‘yun, kung kasal na or engaged. Engagement pa lang po pala,” he said.

Nang matanong kung willing ba siyang kumanta sa wedding ni Peachy, say niya ay oo naman.

 “Why not? I am more than willing to sing for her wedding kasi, iba naman po talaga ‘yung pinagsamahan po namin and we’re still friends up to this day, so sobra po akong masaya para sa kanya,” say ni Erik.

Kasama ni Erik sa Royals sina Angeline Quinto at ang dalawang music icons na sina Concert King Martin Nievera and Asia’s Songbird na si Regine Velasquez. 

Sa Feb. 13 na gaganapin ang Royals sa Mall of Asia Arena at sa Feb. 14 naman sa Waterfront Hotel and Casino, Cebu City.

Mga pelikulang tungkol sa magsasaka, ginawan ng film festival

Inanunsyo na ni Direk Maryo J. delos Reyes ang anim na official entries ng 1st Tofarm Film Festival, isang festival na ang layunin ay magbigay ng inspirasyon sa farmers dahil ang lahat ng pelikulang kasali ay puro kwento tungkol sa farmers at sa mga trials and struggles na pinagdaraanan ng mga ito, gayundin ang tagumpay.

The 6 official entries are Free Range ni Dennis Marasigan, Kakampi ni Victor Acedillo, Jr., Pana-Panahon ni Zig Dulay, Pauwi Na ni Paulo Villaluna, Pilapil ni Jose Johnny Nadela at Pitong Kabang Palay ni Mariel Ca­riaga.

As soon as ma-finalize ang casting ng mga nasabing pelikula ay magsisimula nang mag-shoot ang mga producers at ipalalabas naman ito sa Hulyo sa SM Cinemas.

Natanong ang mga direktor kung sino ba ang napipisil nilang maging bida ng kanilang mga pelikula.

Ayon kay Paulo, sina Bea Alonzo, Robin Padilla, Vic Sotto at Pokwang ang naiisip niyang maging bida ng Pauwi Na.

Kwento ni Paulo, dapat ay gagawin na raw ito ng Star Cinema and Viva Films at nagkaroon na nga raw ng meeting with Bea at nagustuhan daw ng aktres ang materyal.

Pero hindi natuloy ang negosasyon at liligawan na lang daw nila ulit si Bea na gawin ang movie kung gusto pa nito.

Say ni Paulo, alam niyang suntok sa buwan ang mga naiisip niyang bida ng movie niya dahil nga malalaking artista ang mga ito.

Si Mariel naman ay naiisip na kunin ang batang si Onyok ng Ang Probinsyano pero hindi niya raw alam kung kakayanin niya.

Ang Tofarm Film Festival ay brainchild ni Dr. Milagros Ong-How ng Universal Harvester, Inc kung saan ay si Direk Maryo ang festival director.

Ayon kay Direk Maryo, isa na rin siyang far­mer ngayon dahil nga namanahan siya ng farm at ka­salukuyang niyang pinagyayaman ngayon kaya nais din niyang makatulong at makapagbigay ng inspirasyon sa mga magsasaka sa pamamagitan ng festival na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with