^

Pang Movies

Kahit madaling araw, Barbie at Andre pinipilit sumaya

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Excited and inspired to work si Barbie Forteza kahit pa star­ting February 15 ay daily na ang magiging taping nila ng romantic-comedy series na That’s My Amboy. Bakit kaya siya excited?

 “May show po kami ni Andre (Paras), kasama ang JoWaPao, (Jose Manalo, Wally Bayola at Paulo Ballesteros for the GMA Pinoy TV sa San Francisco on March 22 at sa San Diego on March 24,” sagot ni Barbie.  “Excited po ako dahil first time ko pong makakapunta sa States kaya thankful ako sa GMA na isinama nila ako.  Aalis po kami dito sa March 21.  Pero kailangan pong narito kami sa March 26 kasi live po kami sa Easter Sunday, March 27, sa Sunday PinaSaya.

Biniro namin si Barbie na hindi siya kakanta ng I left my heart in San Francisco dahil kasama naman niya si Andre hanggang sa makabalik sila sa bansa. Kinumusta namin si Barbie kung enjoy siya sa kanilang rom-com na napapanood every night sa GMA 7 after ng Little Nanay.

“Yes po, basta kami ni Andre, sinisikap naming maging masaya lagi ang atmosphere sa set, kahit po medyo gabi na, kailangan po naming ma-maintain iyong away-bati namin sa eksena.  Pero hindi naman mahirap dahil may cut-off po si Bb. Joyce Bernal sa taping, hanggang 2:00 a.m. lamang at dahil mabilis siyang magtrabaho, hindi po kami inaabot ng taping ng ganoong oras, mas maaga kaming natatapos dahil 7:00 a.m. naman nagsisimula na kaming mag-taping.”

Gumaganap na PA (personal assistant) ng young actor na si Bryan (Andre), kaya ba niyang magbuhat ng mga gamit nito, o wala namang laman iyong binubuhat niya?  Keri daw naman niya kahit mabigat dahil ang shoes ni Andre, size 14 na, pag-cut daw naman ni Bb. Joyce, kinukuha na agad sa kanya ng utility ang mga binubuhat niya.  Nagpasalamat din si Barbie sa mga sumusubaybay sa kanilang rom-com.

Eugene at Jose, to the max ang isnaban

Umiwas si Eugene Domingo na sagutin ang tanong kung bakit nawala na sa Celebrity Bluff as co-host niya si Jose Manalo sa presscon niya ng Dear Uge.  

Para raw sa bago niyang show na first comedy anthology sa GMA 7 ang presscon na magpa-pilot na sa February 14, pagkatapos ng Sunday PinaSaya. 

Masaya raw siya na mas light ang mga to­pic na ipalalabas nila every Sunday at alam niyang magugustuhan ito ng mga televiewer. 

Ang mga stories, characters at twists sa mga plots ay lalo raw niyang pasasayahin bilang host. 

Si Uge ay si Urbana Genoveva Esperanza, isang sari-sari store owner na nag­hu-host ng web show called Dear Uge. Sidekick naman niya si Divine Grace Aucina, na kilala ring theatre actress mula sa PETA.

Samantala, nakausap namin si Jose Manalo sa rehearsal ng SundayPinaSaya (SPS) noong Saturday at siya ang tinanong namin kung bakit siya umalis as co-host ni Eugene Domingo sa Celebrity Bluff (CB).

Hindi na raw siya talaga nag-renew ng contract dahil hindi na rin niya makaya na may daily show na siya sa Eat Bulaga (EB) tapos may Sunday show pa siya, then magti-taping pa ng CB.

Buong linggo raw napapanood na siya sa TV at kapag Saturday, dalawa, sa EB at sa CB nga, nakakapagod din daw.   

Kay Jose rin nanggaling na sa Sunday, guest nila sa SPS si Uge na magpu-promote ng Dear Uge.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with