Pia papasang cheerdancer
Marami ang natuwa sa pagiging special correspondent ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach para sa programang Inside Edition sa Amerika.
Si Pia ang maghahatid ng mga kaganapan sa Super Bowl 50 sa Texas.
Kelan lang ay pinakitang binigyan siya ng dancing lessons ng cheerleaders ng Denver Broncos.
Tinuruan si Pia kung paano gamitin ang mga pom-poms at ang kanilang routine sa pagsayaw.
“All I need is a costume!” sey ni Pia dahil mabilis niyang nakuha ang steps.
Bilang ganti, tinuruan naman ni Pia ang mga cheerleader kung paano maglakad bilang isang beauty queen.
Kasama ni Pia ang correspondent ng Inside Edition na si Megan Alexander para sa paghatid ng mga behind-the-scenes ng Super Bowl 50.
- Latest