^

Pang Movies

Malasakit ni AiAi nasayang Jiro Manio bumalik daw agad sa dating bisyo!

Jun Nardo - Pang-masa

Mapupurnada pa yata ang ginawang pagtulong ni AiAi delas Alas sa anak-anakan niyang si Jiro Manio, huh! May nasagap kasi ka­ming chika na hindi maganda tungkol sa sitwasyon ngayon ng dating child actor.

Last week, inilabas ni AiAi si Jiro sa isang pasilidad upang ma-rehabilitate. Kasama nga niya ang anak na si Sancho delas Alas at boyfriend na si Gerald Sibayan sa pagsundo sa da­ting child actor. Binigyan pa nga siya ng gamit nina Sancho at Gerald na ikinatuwa ni AiAi.

Nagrenta pa ng condo unit si AiAi para kay Jiro. ‘Yun nga lang, may nasagap kaming balita na “back to his old self” daw si Jiro, huh!

Nakatakda sanang lumabas si Jiro sa episode ng Magpakailanman. Bilang preparasyon, pinag-aral siya ng acting workshop. Pero ayon sa a­ming source, hindi na sinipot ng aktor ang workshops na dapat sasalihan.

Dagdag pa, gusto na raw bumalik ni Jiro sa kanyang adoptive father. Malabo na rin daw kasing i-recognize siya ng amang Hapon dahil sa hindi magandang experience sa ilang Pinoy na pinagtiwalaan niya noon.

Hay naku, pakawalan na sana ni AiAi si Jiro dahil natulungan na niya ang anak-anakan. Pero kung siya mismo ayaw tulungan ang sarili, eh ‘di wag na lang, huh!

Renz ang lakas ng tama kay Kris

Hindi na maitago ni Renz Fernandez ang pagkagusto sa co-star sa Little Nanay na si Kris Bernal.

“Kung ako ang napili ni Kris, mamahalin ko talaga siya!” deklara ni Renz sa tanong sa kanya kung ano ang gagawin para matanggap siya ni Kris.

Open kasi si Renz sa paghanga kay Kris. Aalagaan daw niya ang aktres kung sakaling tanggapin siya bilang boyfriend.

“Pero hindi rin naman ako nagmamadali at willing maghintay sa kanya,” saad pa ng anak ni Lorna Tolentino.

Camille nakipag-date sa cell phone

Hindi sagabal ang long distance para sa lovers na sina Camille Prats at John Yambao. Nasa Amerika ang lalaki at nasa bansa naman si Camille.

Eh, sa Instagram post ng bida ng Wish I May, nagkaroon daw sila ng virtual date ni John.  Sinaba­yan ni John si Camille na magmeryenda kahit matutulog na ang lalaki.

Saad ni Camille sa caption niya sa IG, “Who said we can’t go on a date even though we are thousands of miles apart? Had Nayomi burger for merienda and when he heard that he got up from bed all set to sleep at 1 a.m., drove to in and out and had a burger too. Happy 3Y2M (three years and two months) my love! The things we do just to feel we’re right beside each other. Missing you quite terribly! You make LDR so bearable inspite of time and distance!”

Sweet naman, huh!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with