^

Pang Movies

Pangako… nina Daniel at Kathryn, ieere na rin sa Vietnam

- Vinia Vivar - Pang-masa

Kamakailan ay tumanggap ang Teen King & Queen na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ng parangal mula sa Vietnam. Sila ang nagwaging Best Foreign Actor and Best Foreign Actress sa Face of the Year Awards 2015 ng nasabing bansa.

Lumipad ang KathNiel sa Vietnam to receive the award at dito ay naging napakainit ng pagtanggap sa kanila ng mga Vietnamese kaya naman masayang-masaya ang magka-loveteam.

“Actually, nu’ng sa Vietnam po,” kuwento ni Kat, “nagulat talaga kami kasi Got To Believe po ‘yung in-air du’n, ‘yun ‘yung na-recognize kami tapos sinabi na ngayon yata, ngayong year, ‘yung Pangako Sa ‘Yo naman ang ieere nila sa Vietnam. So, hopefully, matanggap nila kung paano nila tinanggap ‘yung Got To Believe.”

Say pa ni Kathryn, sobrang saya nila na nagugustuhan din ang PSY version nila ng ibang bansa tulad din ng original version nina Jericho Rosales and Kristine Hermosa.

“And hindi po namin in-expect ‘yun kasi nga, aware kami na sina Ms. Kristine Hermosa and si Jericho Rosales, nakilala talaga sila sa halos buong mundo because of Pangako Sa ‘Yo.

 “So, hindi namin in-expect na ganu’n din ang mangyayari sa amin na na-ano kami kahit sa Asia man lang. And nagpapasalamat kami kasi parang dinadala rin namin ‘yung pangalan ng ABS-CBN na kaya natin, na ‘yung ibang shows natin, ‘yung quality, pwede rin sa ibang bansa, ganyan.

“So, nakaka-proud talaga and kakaibang experience po ‘yun kasi hindi namin in-expect sa airport na ganu’n ‘yung magwe-welcome sa amin na mga Vietnamese.

“‘Yung sa awarding ceremony, hindi namin sila maintindihan pero pag-akyat namin ng stage, nakaka-proud kasi dala namin ‘yung pangalan ng ABS-CBN, ‘yung buong station and tinanggap nila tayo du’n,” pahayag ni Kathryn na nominated din sa 2016 Nickelodeon Kids Choice Awards sa Favorite Pinoy Personality category kasama sina Enrique Gil and James Reid.

Maine hindi maalis ang pagiging kengkoy kahit sa commercials

Ang phenomenal star na si Maine Mendoza ay masasabing nasa isa sa pinaka-exciting na bahagi ng buhay niya ngayon at maging siya ay aminadong dati ay isang pangarap lang ang lahat ng nangyayari sa kanya ngayon.

Sa pagiging in demand, alam na rin ni Maine na hindi rin daw ito ganoon kadali, “Not as easy as I thought it was,” pag-amin niya.

“I must admit that it is physically-tiring but I am humbled and really thankful that there are fans who support me and to me that is the best part of the job.”

Simula nang sumikat, halos si Maine na ang laman ng lahat ng mga magazine covers kunsaan, nakakapag-experiment pa siya ng iba’t-ibang fashion and styles.

Ayon sa dalaga, may sariling “rules” siya sa pagpili at pagtanggap ng mga produktong ieendorso niya.

“I should make sure that the products I endorse are of high quality because I know that having me as their endorser will affect people’s choices.”

Ang latest na tinanggap na endorsement ni Maine ay ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino at say niya, “I got excited because this is another blessing and opportunity for me.”

Sobrang perfect nga raw ang offer dahil noon pa ay paborito na niyang kainin ang nasabing produkto.

“Yung shooting was quite an experience for me dahil ang dami kong emosyon na kailangang ipakita sa isang commercial lang.  Kailangan kong umarte na seryoso, fierce, heart-broken at iba pang emosyon.  Pero syempre, I have my favorite part.  The consumption scene! 

“Finally, I was able to express the real me, kengkoy and fun. Fantastic baby pa more!,”  natawa niyang sabi.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with