^

Pang Movies

Pelikula ni Nora, biglang nawalan ng balita!

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nagtataka ang Noranians kung ano na raw kaya ang nangyari sa pelikula ng superstar na si Nora Aunor. Dati kasi ay sinasabing malapit na itong matapos at kesyo dalawang araw na lang daw ang natitirang shooting day pero out of nowhere ay bigla na lang nga itong nawalan ng ingay.

Bagong taon na raw pero wala pa ring kabali-balita kung itutuloy ba ito o hindi.

Noong huli naming nakakwentuhan si Direk Boy San Agustin, nabanggit niya na matatapos na ito at ilalaban pa sa isang film festival sa abroad.

Ano na kaya ang ganap sa pelikula ni Nora, itutuloy pa kaya ito ng producer? Ang balita ko ay maganda raw ito, nabitin tuloy sina JC de Vera at ang baguhang si Jonares Flores na kasama rin sa pelikula.

Xian nakawala sa pamimintas

Masaya si Xian Lim sa naging resulta ng pelikula nila nina Gov. Vilma Santos and Angel Locsin, ang Everything About Her.

At least, nakawala na siya sa bulung-bulungan na (ham) actor siya kaya napalitan siya sa isang serye na dapat siya ang papapel.

Pero ngayon, mismong si Ate Vi ang pumupuri sa kanya, kaya nabura na rin pati ang pamimintas ng marami sa kanya, pati nga kay Angel ay nakatanggap din siya ng papuri.

Siguradong very proud sa kanya ang kanyang pamilya, bagay sila ni Kim Chiu na mukhang galing sa buena familia.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with