^

Pang Movies

Ian hindi makalimutan ang pakikipagtikiman kina Jodi at Angelica

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sa siyam na buwan na pagsasaere ng Pangako Sa ‘Yo ay napakaraming naging highlights at napakagagandang eksena na hindi malilimutan hindi lang ng televiewers kungdi maging ng mga cast.

Para kay Jodi Santamaria na gumaganap bilang Amor Powers, memorable raw sa kanya ang mga eksena nila ni Angelica Panganiban na gumaganap namang Claudia Buenavista na mortal niyang kaaway.

 “Kasi, mataas ‘yung tension lagi sa mga eksena namin and I’d say that Angelica is one good actress and gusto ko talaga siyang nakakaeksena,” sabi ni Jodi.

Pero nakakatuwa ang sagot ni Ian Veneracion who’s playing Governor Eduardo Buenavista dahil ang sagot niya ay ‘yung mga love scenes niya with her two leading ladies, Jodi and Angelica.

 “Yung love scenes po are always memorable. ‘Yun din po ang pinakamahirap sa akin na i-shoot na eksena. For example, kami ni Jodi, we’re really good friends and I feel that we’ve connected na emotionally even before the show started, kasi sa workshop, ganyan.

 “So, parang nahihiya ako sa kanya kasi baka isipin nagte-take advantage ka, ‘yung ganu’n. So, ang hirap-hirap i-maintain ng pagka-professional lalo na sa mga ganung eksena na maselan na eksena. So, laging siya ‘yung nag-aano na “ano ba, sige na”. Siya ‘yung nagpapawala ng kaba ko pagdating sa ganung eksena.”

Kay Andrea Brillantes naman na gumaganap na Lia, pinaka-memorable scene at pinakamahirap na rin para sa kanya ay ‘yung inapi siya ng mga classmates niya sa party.

 “Dahil sobrang totoo na po ‘yung mga sabunot sa akin tapos kailangan pa po namin ulitin ‘yun. Saka ‘yung pinakamahirap po para sa akin, nung kinunan ‘yun, ‘yung pinaka-last na scene na dumating ang KathNiel, so medyo naguluhan po ako dahil hindi ko alam ‘yung totoong nangyari. Hindi ko alam kung ano ‘yung magiging emotion ko, kung nakatulala lang ako or hahagulgol ako. So, du’n po ako pinakanahirapan.

 “Saka nung pagkagising ko, parang talagang binugbog ako dahil sobrang sakit ng katawan ko,” kwento ni Andrea.

Ang Teen King naman na si Daniel Padilla, ‘yung first day daw nila ng direktor na si Dado Lumibao ang pinakamahirap sa kanya.

“Pinakamahirap yata naming lahat ‘yung dahil nandun kami sa Pantabangan Dam at todo ang init nu’n, ‘yung araw, parang katabi lang namin. At ‘yung eksena, nakahubad ako. Mahirap dahil nung una, kinakapa pa namin ‘yung karakter namin dahil first day,” say ni Daniel.

Sa Teen Queen naman na si Kathryn Bernardo, pinaka-memorable daw sa kanya ay ang palengke scene.

“Hindi madali ‘yung location kasi nasa totoong palengke talaga kami, ‘yung malalaking daga talaga na parang mga pusa na lumalabas sila ‘pag nabubulabog sila, dumaraan lang sila diyan, as in lahat, nagpa-panic na. Kahit hindi kayo takot sa daga, matatakot kayo pag nakita n’yo. Naglalampaso sila sa floor,” natatawang say ni Kathryn.

Pero grabe raw ang hirap talaga ng scene na ‘yun dahil heavy drama, all-star cast, high ang emotions, na-drain daw silang lahat at talagang nagkakagulo sila. Pati doubles nila ay nagkasakit daw. Pero sulit naman daw lahat ng pagod dahil nang mapanood nila ang eksena ay napakaganda raw lumabas ng buong eksena.

Sa pagtatapos ng PSY, ang lahat ng cast at direktor ay nagpapasalamat sa napakainit na naging pagtanggap ng mga tao sa kanilang serye.

Batang walang paa na tinulungan ni Korina, nakakapag-basketball na 

Nakilala ni Korina Sanchez-Roxas ang batang si John James Cabahug noong 2015 sa Jugan, Consolacion, Cebu noong ito ay anim na taong gulang pa lamang.

Ipinanganak si John James na putol ang kaliwang binti at dala ng sobrang kahirapan, gumagamit siya noon ng saklay na kanyang ginawa sa bahay.

Naiyak si John James at kanyang ina nang tanungin siya ng misis ni Mar Roxas kung nais niyang magkaroon ng binti at paa kaya naman agad agad nakipag-ugnayan si Koring at ang Rated K sa alkalde ng Cebu at mga doctor upang mabigyan si John James ng artificial legs.

Matapos ang isang taon, muling bumalik sa Consolacion si Koring at binisita siya ni John James at ina nito habang nagsasalita si Korina sa isang grupo ng mga kababaihan.

“Ang saya ng reunion namin. Naglalakad na ngayon si John James ng may confidence,” kuwento ng beteranang broadcast journalist. “Tinanong ko pa siya kung nagbabasketbol na siya. Siyempre tumango siya at ngumiti. Tapos nag-iyakan silang mag-ina dahil sa tuwa.”

Ayon kay Koring napakalaking bagay para sa isang bata makalakad sa sarili niyang paa. “Mababago ang kanilang buhay. Php 25,000.00 ang halaga ng isang leg.”

Sa mga gustong mag-donate ng artificial leg, tumawag lamang kina Jannice Fortes (09052750220) at Juliet Delos Santos (09178276247).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with