^

Pang Movies

Ex lovers mag-uusap, nakasalalay ang magiging kapalaran ng balikan!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May kasunduan ang ex-lovers na magkikita sila at mag-uusap tungkol sa kanilang relasyon.

Nakasalalay sa magaganap na pag-uusap ang future ng aktor at aktres na naghiwalay dahil sa irreconcilable differences.

Nakadepende ang lahat  sa desisyon ng aktor dahil ito ang unang nakipaghiwalay sa kanyang girlfriend na hoping na magkaka­balikan sila. Kung papayag ang aktor na magkaroon ng reconciliation, tiyak na magkakaroon ng bagong yugto ang relasyon nila ng aktres na in denial at hindi matanggap na iniwanan siya ng boyfriend niya.

Heart ayaw tantanan ang pamumulot ng mga pusa

Nagpaturok si Heart Evangelista ng anti-rabies dahil hindi sinasadya na kinalmot siya ng pusa na napulot at tinulungan niya.

Si Heart na ang nagmagandang-loob, siya pa ang napahamak dahil sa pagmamahal niya sa mga hayop.

Limang beses na tuturukan si Heart ng anti-rabies para matiyak na ligtas siya mula sa kalmot ng pusa.

Si Michelle Van Eimeren ang naalaala ko sa pagtulong na ginawa ni Heart sa pusa na nakita niya na pakalat-kalat sa isang university sa Quezon City.

Mahilig at mahabagin sa mga pusa si Michelle.

Noong nagsasama pa sila ni Ogie Alcasid, dumami ang mga pusa na inaalagaan nila dahil inaampon ni Michelle ang mga stray cat na nakikita nito sa kalsada.

Wally at Jose mangunguna sa proclamation rally nina SGP at Sen. Chiz, mga kilalang personalidad tiyak din ang pagsipot

Sina Wally Bayola at Jose Manalo ang mga host sa proclamation rally ng Partido Galing at Puso sa Plaza Miranda sa Martes, February 9.

Opisyal na magsisimula sa Martes ang pangangampanya ng lahat ng mga kandidato para sa pagka-pangulo, bise-presidente at mga senador ng bansa.

Expected na dudumugin ang proclamation rally nina Senator Grace Poe at Senator Chiz Escudero dahil bukod sa mga popular sila sa masa, star-studded ang kanilang partido.

Mga senatorial bet ng PGP sina Edu Manzano, Isko Moreno, Senator Tito Sotto, Senator Ralph Recto, Susan Ople, Win Gatchalian, Atty. Lorna Kapunan, Migz Zubiri, Roman Romulo, Neri Colmenares,  Samuel Pagdilao, Jr. at Dick Gordon.

Sure na sure na maraming artista ang susuporta sa senatorial candidacy nina Papa Edu, Papa Isko at Tito Sen.

Mga artista at kilalang personalidad naman ang mga supporter ni Atty. Kapunan, siguradong present si Shalani Soledad sa proclamation rally para sa kanyang mister na si Papa Roman. Ewan ko lang kung makakasipot si Angel Locsin na supporter ni Neri dahil baka dinaramdam pa niya ang mga pangyayari sa love affair nila ni Luis Manzano.

Siyempre, hindi puwedeng mawala sa proclamation rally ng PGP sina Susan Roces at Heart Evangelista, ang mga number one supporter nina Mama Grace at Papa Chiz.

Pagdadausan ng event makasaysayan

Magsisimula ng 4 p.m. ang malaking event ng PGP sa Plaza Miranda.

Sa rami ng mga magsasalita, tiyak na aabutin ng gabi ang pagtitipon na siguradong live na mapapanood sa mga news program ng ABS-CBN, TV5 at GMA 7.

Makasaysayan ang Plaza Miranda dahil ito ang site ng pambobomba sa political campaign rally ng Liberal Party noong August 21, 1971.

Dalawa ang nagbuwis ng buhay sa insidente at nasugatan ang lahat ng mga senatorial candidate ng LP, sina Senators Jovito Salonga, Eddie Ilarde, Eva Estrada-Kalaw, Sergio Osmeña, Jr. at Li­beral Party President Gerry Roxas, ang ama ni Mar Roxas na kumakandidato ngayon bilang pangulo ng Pilipinas.

Nasaktan din si Manila City Mayor Ramon Bagatsing, ang ama ni Congressman Amado Ba­gatsing na kalaban ni incumbent Manila City Mayor Joseph Estrada sa mayoral race sa Maynila sa May 2016.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with