Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

May nadiskubre sa isa’t isa love story nina Luis at Angel, matagal nang tapos!

Kung may naghiwalay sa mundo ng showbiz, may nagpakasal din.

Marami ang nagulat sa balita na hiwalay na sina Luis Manzano at Angel Locsin. May nagkumpirma na the end na ang relasyon ng dalawa kaya pilit na tinutuklas ng mga reporter ang tunay na dahilan.

Sa report ni Papa Ricky Lo sa Philippine Star kahapon, ibinalita niya na may nadiskubre sina Luis at Angel sa isa’t isa nang magbakasyon sila sa Amerika at ito ang naging ugat ng kanilang break up.

Ano ang na-discover nila? Malalaman natin sa mga susunod na araw dahil sa showbiz, walang puwedeng ilihim.

Cristine nagpatali na kay Ali

Kung may naghiwalay, may nagpakasal naman at ito ay si Cristine Reyes na nagpakasal sa ama ng kanyang anak.

Tinupad ni Cristine ang sinabi niya sa presscon ng Lumayo Ka Nga Sa Akin na magpapakasal siya kay Ali Khatibi dahil gagawin nila ang tama.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Simpleng-simple lang ang ayos ni Cristine sa beach wedding nila ni Ali sa Balesin Island pero kitang-kita sa mukha niya ang umaapaw na kaligayahan na nararamdaman.

Sen. Grace napapa-“hay naku” na lang sa mga nanggigipit

Lumitaw ang pagiging fan ni Senator Grace Poe ng Ang Probinsyano nang tanungin siya tungkol sa mga panggigipit ng mga kalaban niya sa pulitika tulad ng disqualificatiion case na inihain laban sa kanya.

“Hay naku” ang favorite expression sa Ang Probinsyano ng child actor na si Simon Pineda aka  Onyok at hay naku rin ang natatawa na sabi ni Mama Grcae sa isang press conference na dinaluhan niya.

May-I-repeat ni Mama Grace ang kanyang madalas sabihin na expected na raw niya ang mga panggigipit nang magdesisyon siya na kumandidatong pangulo bilang independent imbes na tumakbo na  bise presidente sa ilalim ng administrasyon.

Sikat na sikat ngayon lalo na sa mga bata ang favorite  expression ni Onyok sa Ang Probinsyano.

Hindi nakakaligtaan ni Mama Grace na panoorin ang teleserye na hango sa 1997 movie ng kanyang  yumaong ama na si Fernando Poe Jr., lalo na kung hindi busy ang schedule niya.

Hangang-hanga si Mama Grace sa acting ng cast ng Ang Probinsyano lalo na kay  Coco Martin at sa nanay niya na si Susan Roces.

Kahit  nga ang ly­rics ng theme song ng teleserye na Wag Ka Nang  Umiyak ay hindi nakakalimutan na sabihin ni Mama Grace  kapag naglilibot siya sa  mga probinsya at nakakausap ang mga kababayan natin na naniniwala na malaki ang kanyang maitutulong sa bansa kung siya ang mahahalal na presidente ng Pilipinas sa May 2016.

Fantasya ni Shy kay Mark, totohanan na?!

Nagpalitan na ng mga contact number sina Shy Carlos at Mark Neumann, ang mga star ng Tasya Fantasya ng TV5 as in textmates na sila.

Naranasan na ni Mark na magkaroon ng girlfriend pero single siya ngayon. Si Shy naman, sumusumpa na hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend.

Hindi nawawalan ng pag-asa ang fans nina Shy at Mark na hahantong sa something beautiful ang pagsasama nila sa Tasya Fantasya.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: