Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kaya dyinowa na lang ang korona Pia aminadong nasawi sa pag-ibig

For sure ay maraming magkakandarapang manligaw kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ngayong inanunsyo niyang loveless siya.

Sabi niya sa kanyang homecoming presscon, “I don’t have a boyfriend. I didn’t have a boyfriend during the competition. Although I thought I was seeing somebody, but it turned out I wasn’t.”

Hashtag Team Sawi raw siya ngayon at okay lang naman daw ito sa kanya dahil mas gusto niyang mag-focus sa kanyang responsibilidad bilang Miss U.

“That’s okay. I wanna focus on the organization. The thing with me is when I fall in love, you know, I tend to give it everything. But we don’t want that,” say pa niya.

Ang kanyang korona raw ang boyfriend niya muna sa ngayon.

Kaya sa mga gustong manligaw, mukhang mahihirapan sila kay Pia lalo pa nga’t sandali lang mananatili sa bansa ang ating Miss U dahil nakatakda siyang bumalik agad sa U.S.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pero makakadalo pa naman daw si Pia ng kasal nina Pauleen Luna and Vic Sotto on Jan. 30 kung saan ay isa siya sa bridesmaids. 

Dapat nga raw ay sa Jan. 29 na lilipad pabalik ng U.S. ang beauty queen pero pinayagan siya ni Stella Araneta (BB. Pilipinas chairperson) na mag-extend ng stay para makadalo sa wedding ng best friend and to attend to other personal things.

Kris inalala ang birthday ng ina

Dahil birthday ni former President Cory Aquino kahapon, nag-post si Kris Aquino sa Instagram ng pag-alala sa yumaong ina.

“For all the times you’ve commented on my posts that you admire how much I love & prioritize my sons, when you’ve noticed that my siblings & I love & support each other, whenever you told me I was doing a good job sharing my blessings, when you saw how important prayer is in my life, for when you saluted my work ethic & how I treated my coworkers & employees, and for any other time you felt I was a good person- it’s because I am 1 of 5 very blessed children to have had Cory Aquino as a Mother. Happy Birthday to our Mom,” ang post ni Kris.

Kung nabubuhay, Tita Cory would have turned 83 yesterday.

Xian dinala sa langit nina Angel at Vilma

Para kay Xian Lim, sobrang unforgettable sa kanya ang pelikulang Everything About Her na showing na bukas, kung saan ay first time niyang naka­trabaho sina Gov. Vilma Santos and Angel Locsin.

Sa pelikulang ito ay kakaibang motivation daw talaga ang ginawa sa kanya ng direktor nilang si Joyce Bernal.

“Even before po ako nag-shooting dito sa pelikula, eh they made sure po na alam ko ‘yung karakter ko, at alam ko kung ano ‘yung gagawin ko sa set. Hindi ‘yung doon pa lang ako magbabasa. Months before nu’ng shooting, pinag-aralan ko na po kung ano ang gagawin. So, laking pasasalamat po ako sa proseso ni Direk Joyce.

“Nu’ng unang araw po, hindi kami pinag-uusap (nina Angel and Ate Vi). Natatakot ako, tinanong ako ni Direk Joyce, nasa elevator kami pababa ng eksena.

“Sabi ko, “totoo bang hindi ako mag-ha-Hi, hindi man lang ako babati?” Kasi ‘yun ang nakasanayan ko, eh, para mas kumportable ang batuhan ng eksena, palaging magre-rehearse.

“Tapos sabi niya, “wala akong pakialam kung ano ang sabihin nila sa ‘yo, ayusin mo ‘yang trabaho mo, alam mo na gagawin mo?” Sabi ko, “alam ko na po”. Sabi niya, “o sige, do it”.

“So, wala pong picture-taking, wala man lang “Hi”. Sabi ko, “paano kung magalit sa akin si Miss Vilma?” Sabi niya, “wala pa rin akong pakialam kung magalit sila sa ‘yo”.

“Kaya po ‘yung pinakaunang eksena po namin na galing akong U.S. eh, isa pong priceless moment,” kuwento ni Xian.

Pagkatapos naman ng unang araw ng shooting, pinayagan na rin daw siya ni direk na lumapit kay Ate Vi at nagpa-picture raw siya agad.

Sobra ring thankful ni Xian na nabigyan siya ng pagkakataong makasama sina Ate Vi and Angel.

“Hanggang ngayon nga, gusto ko lang sabihin na ang pakiramdam ko, parang nasa langit dahil nabigyan po ako ng isang pagkakataon, hindi po lahat nabibigyan ng pagkakataon na siyempre, makatrabaho si Miss Vilma Santos and pati rin po si Angel,” say ng aktor.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: