Pang-Masa ( Leaderboard Top ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Pelikula nina Ate Vi at Angel pinag-uusapan na sa trailer pa lang

Usap-usapan na ang malapit nang ipalabas na movie ni Batangas Governor Vilma Santos-Recto, Everything About Her, co-starring her for the first time with Angel Locsin and Xian Lim. First time niya ring makatrabaho si Joyce Bernal bilang director.

Ang daming nagandahan sa trailer pa lang ng movie.

Produced by Star Cinema, for release ito before the end of January.

Of Angel nga pala, join siya kina Vice Ganda, Robin Padilla at former ABS-CBN President, Freddie Garcia, bilang juror of the upcoming Pilipinas Got Talent Season 2.

Tonton naglalagare sa ABS at GMA!

As if ‘di pa enough kay Tonton Gutierrez ang magkaroon ng dalawang show. Aired daily (weekdays) sa ABS-CBN, ang You’re My Home at And I Love You So, heto at may sisimulan din siya na series sa GMA 7, That’s My Amboy.

We heard that That’s My Amboy, co-starring him with young Kapuso talents, Andre Paras and Barbie Forteza, will start airing January 25.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1

Kasama niya, on the other hand, sa You’re My Home sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Jessy Mendiola, Jobelle Salvador, JC de Vera and Lara Quigaman. Featured naman ang young stars na sina Paul Salas at Mika dela Cruz.

Also in the cast naman ng And I Love You So sina Angel Aquino, Dimples Romana, Jay Manalo and Benjie Paras, among others.

Busy rin ang misis ni Tonton na si Glydel Mercado, who plays wife naman ni Juan Rodrigo in GMA 7’s Wish I May.

Scheduled to start in January 18, Wish I May also stars Camille Prats, Mark Anthony Fernandez, Mark Herras, Rochelle Pangilinan, Alessandra de Rossi at introducing naman ang panganay na anak ni AiAi delas Alas na si Sancho delas Alas.

Pilita hindi nakakalimutan ang relasyon noon nina Martin and Jackie Lou

Ano kaya ang reaction ni Pops Fernandez tungkol sa diumano’y usapang namagitan between Pilita Corrales and some friends, sa wake raw ni Kuya Germs (German Moreno) sa Mount Carmel Mortuary, where in she mentioned na gusto niya si Martin Nievera para sa anak na si Jackie Lou Blanco. Sa mga sumusubaybay kina Martin and Jackie Lou’s careers, respectively know, nagkagustuhan nga ang da­lawa noong kabataan nila. But the two repor­tedly discovered na magpinsan sila.

Martin later married Pops, while ikinasal naman si Jackie Lou sa author-director na si Ricky Davao.

Hiwalay na sina Pops at Martin, ganundin sina Jackie Lou at Ricky.

Of Jackie Lou, she, together with younger brother, Ramon Christopher, was among the first members of That’s Entertainment, Kuya Germs discovery show on GMA 7, which lasted for 10 years.

On Kuya Germs, Huwebes ang libing niya sa kanyang huling hantungan sa Loyola Memorial Park Marikina.

Today, Tuesday, may pamisa si Marichu Maceda ng Sampaquita Pictures for Kuya Germs at the Mount Carmel Church.

Miyerkules, dadalhin ang kanyang labi sa GMA 7, so Kuya Germs can spend for the last time sa isang hall ng network, na pinaglingkuran niya ng mara­ming taon.

Muli, ang pakiusap ng anak ni Kuya Germs na si Federico na instead of flowers, please donate na lang to the Kapuso Foundation, para makatulong sa mahihirap, isa sa mga advocacies pa ng kanyang ama.

From us, Kuya Germs, may you rest in peace. We’ll pray for you.

Pang-Masa ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch: 1
  • Follow Us: