^

Pang Movies

Pagkorona kay Pia bilang bagong Miss Universe, may replay!

Pang-masa

MANILA, Philippines – Muling panoorin ang kontrobersyal na pagkorona kay Miss Philippines Pia Alonzo Wurtzbach bilang bagong Miss Universe ngayong Linggo (Dec. 27) sa exclusive free TV replay handog ng ABS-CBN.

Matapos ang 42 taon, muling naiuwi ni Pia ang korona sa Pilipinas at tinalo ang 80 naggagandahang mga kababaihan mula sa iba’t ibang mundo para makuha ang inaasam na pageant title.

Mula national costume, swimsuit, hanggang sa evening gown competitions, pinatunayan ni Pia na nasa kanya ang mga hinahanap na katangian para maging susunod na Miss Universe.

Agaw eksena ang kanyang rampa ngunit, ang sagot niya sa final question kung bakit siya ang karapat dapat manalo ang pinakasumelyo sa kanyang tagumpay.

“Ang pagiging Miss Universe ay isang karangalan at isa ring responsibilidad. Kung ako ang mapipili bilang Miss Universe gagamitin ko ang aking boses para impluwensyahan ang mga kabataan at mas palalawakin ko pa ang kamalayan ng mga tao sa piling mga issue tulad ng HIV na talaga namang napapanahon lalo na sa aking bansa ang Pilipinas. Gusto kong ipakita sa universe na ako ay confidently beautiful with a heart,” sabi ni Pia.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pagbati kay Pia online mula sa kanyang solid fans at mula sa iba’t ibang local at international celebrities matapos pormal siyang kinoronahan ni Miss Universe 2014 Paulina Vega.

Isa si ABS-CBN President and CEO Charo Santos-Concio sa mga nagpahayag ng kanyang pagbati sa tagumpay ni Pia.

“Kaisa ako ng aking mga kapwa Pilipino sa pagbati kay Pia Alonzo Wurtzbach sa kanyang pagkapanalo sa Miss Universe 2015. Ang tagumpay ni Pia ay dahil sa kanyang dedikasyon at determinasyon. Hindi siya sumuko sa kanyang pangarap, nagtrabaho siya ng maigi, at nagsilbi siyang inspirasyon sa marami na panatilihin ang kumpyansa nila sa sarili. Isang Star Magic alumna, si Pia ang tunay na halimbawa ng Pilipina na “confidently beautiful with a heart,” sabi ni Charo sa isang statement na inilabas sa TV Patrol.

Tulad ni Pia, nagdala rin ng karangalan kamakailan si Charo sa bansa nang siya ang mapili bilang kauna-unahang Pinay Gala Chair sa prestihiyosong International Emmy Awards.

Huwag palalampasin ang exclusive free TV replay ng Miss Universe 2015 ngayong Linggo (Dec. 27) pagkatapos ng Gandang Gabi Vice sa ABS-CBN.

Barbie Forteza, inamin na very blessed siya ngayong taon 

Maraming dapat ipagpasalamat si Barbie Forteza this 2015 dahil bukod sa patuloy na pamamayagpag ng The Half Sisters nationwide ay nagkaroon din siya ng pagkakataon na makatrabaho ang kanyang mga ultimate idols na sina Ms. Cherie Gil at ang Superstar na si Ms. Nora Aunor!

Napakaswerte talaga ni Barbie na itinuturing na priceless experiences ang lahat ng ito kaya naman ganadong-ganado itong lalo pang pagbutihin ang kanyang trabaho.

Lovi Poe at Solenn Heussaff, magsasanib-pwersa sa concert next year

Siguradong paka-aabangan ang magiging pre-Valentine concert ng dalawang Kapuso stars na sina Lovi Poe at Solenn Heussaff next year.

Paano ba naman, bukod sa parehas silang maga­ling kumanta, sa pictorial pa lang ay napakasexy at napakaganda na nilang dalawa.

GMA Countdown to 2016, kasado na!

Tuloy na tuloy na nga ang pinaka-aabangang pagsalubong sa Bagong Taon kasama ang pinakapaboritong Kapuso Stars sa GMA Countdown to 2016 ngayong December 31.

Muling gaganapin ang masayang okasyon sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia na pangu­ngunahan ng Pambansang Bae na si Alden Richards bilang isa sa mga hosts ng pagdiriwang.

Tom Rodriguez, mami-miss ang MariMar

Sa nalalapit na pagtatapos ng MariMar, inamin ni Tom Rodriguez na mami-miss talaga niya ang kanyang mga co-stars maging ang production team na nakasama niya sa taping dahil talaga raw na naging close silang lahat.

Nonetheless, very thankful si Tom sa opportunity na makasama sa well-loved primetime series ng GMA.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

KANYANG

LEFT

MGA

MISS

MISS UNIVERSE

PIA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with