^

Pang Movies

Aktres na may asawang aktor, pinaghihinalaang buntis sa ibang lalaki

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Pinaghihinalaan na buntis ang estranged wife ng isang aktor dahil hindi niya ipinapakita ang kanyang tiyan sa mga picture na nakalagay sa social media.

May naghamon sa girl na kung talagang hindi siya on the family way, i-post niya sa Instagram at Facebook ang kanyang full body picture. Dinedma ni misis ang dare dahil  may  nakatakip na bulaklak sa tiyan niya sa kanyang huling post.

Hindi naman nakakapagtaka kung magbuntis ang girl dahil open ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang current dyowa. Hindi na talaga sila magkakabalikan ng kanyang aktor na mister dahil happy na rin ito sa piling ng iba’t-ibang babae. Iba’t-ibang babae raw o!

Papa Erap, pahulaan pa kung sinong susuportahan sa halalan 2016

Si Senator Bongbong Marcos ang susuportahan na vice-presidential candidate ni Manila City Mayor Joseph Estrada kaya nagpasalamat na siya sa dating pangulo ng Pilipinas.

Sa mga presidential candidate, si Senator Grace Poe ang napapabalita na bet ni Papa Erap. Kumalat kahapon ang balita na malaki ang posibilidad na si Mama Grace ang susuportahan ni Papa Erap na hindi surprising dahil anak siya ni Fernando Poe, Jr., ang bestfriend ni Papa Erap. Ninong din ni Mama Grace si Papa Erap kaya ito ang itinuturing niya na pa­ngalawang ama.

Tahimik pa ang kampo ni Papa Erap. Hindi pa siya nagdedeklara ng mga kandidato na susuportahan pero siguradong malalaman natin sa mga susunod na araw ang the truth and nothing but.

1st wedding anniversary nina DongYan, perfect dahil kay Baby Letizia

Isang taon nang kasal sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa December 30.

Sa loob ng isang taon, marami nang nangyari sa buhay nina Marian at Dingdong bilang mag-asawa. Siyempre, ang arrival ng kanilang anak na si Letizia ang biggest blessing na natanggap nina Marian at Dingdong ngayong 2015.

Perfect ang pagdating ni Letizia dahil kumpletung-kumpleto at siguradong meaningful ang first wedding anniversary ng mga magulang niya.

Aktres na nagpaturok para lumaki ang labi, nagmukhang kuhol!

Hindi type ng fans ang pinakapal na labi ng aktres na hinahangaan nila. Halatang-halata raw kasi na nagpaturok ng collagen sa lips ang aktres kaya kumapal at naging poser na siya ni Angelina Jolie.

Turn off ang fans sa experiment na ginawa ng aktres sa labi nito na parang namamaga at ikinukum­para nila sa nguso ng kuhol.

May mga babae na binabaga­yan ng makapal na lips at hindi na nila kailangan ng collagen injection tulad ni Anne Curtis.

Ewan ko nga ba kung bakit walang contentment ang ibang mga artistang babae. Hindi na sila nakuntento sa natural beauty na ipinagkaloob sa kanila ng Diyos. Puwede naman na ma-achieve nila ang poutings lips sa pamamagitan ng magic ng lipstick.

Hindi na nila kailangan ng collagen injection huh!

Ala Eh Festival, tuluy-tuloy lang

Ngayong gabi ang grand finals sa bayan ng Sto. Tomas ng singing contest ng Ala Eh Festival ng Batangas province at special guest si Governor Vilma Santos-Recto.

Ika-pitong taon na ng Ala Eh Festival at last term na ni Mama Vi bilang governor ng Batangas. Kahit wala na si Mama Vi sa puwesto sa susunod na taon, gusto ng mga Batangueño na ituloy ng sinuman na papalit sa kanya ang Ala Eh Festival na naging tradisyon na.

vuukle comment

ACIRC

ALA EH FESTIVAL

ANG

ANGELINA JOLIE

ANNE CURTIS

HINDI

MAMA GRACE

MAMA VI

MGA

PAPA ERAP

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with