^

Pang Movies

Pastillas Girl naabutan pang humihinga ang ina bago bawian ng buhay

- Vinia Vivar - Pang-masa

Taos-puso kaming nakikiramay kay Angelica Yap aka Pastillas Girl sa brutal na pagpaslang sa kanyang inang si Teresa Yap noong Linggo (Nov. 29) ng gabi sa Caloocan City.

Ayon sa report, katatapos lamang magsimba ng ina ni Angelica kasama ang isa nitong anak at pamangkin at kakain sana sa isang eatery nang may lumapit na naka-motorsiklo at binaril ito sa ulo.

Naisugod pa sa Chinese General Hospital si Teresa pero binawian din agad ng buhay nang gabing iyon.

Kahapon ay nakausap ng ABS-CBN News si Angelica nang mangyari ang insidente ay nasa Bulacan daw for a music video shoot.

“Actually hindi pa nga tapos (‘yung taping). Tinawagan lang ako. At first, hindi ka maniniwala kasi ‘yung mga ganung bagay, hindi usual na natatanggap mo. ‘Yung message na natanggap ko, tumawag ako agad tapos kinonfirm na nila na nabaril daw ‘yung mom ko sa ulo. Doon pa lang, gusto mo na umuwi agad para malaman mo kung ano ‘yung detalye, kung ano’ng nangyari. Nag-rush ako na umuwi agad-agad. Dumiretso na ako rito,” pahayag ni Angelica na lumabas sa website ng ABS-CBN.

Nang dumating daw siya sa hospital ay buhay pa ang kanyang ina.

“Brain dead lang pero humihinga pa. Kinausap ko siya. Nagre-respond pa siya. ‘Yung mga heavy breathing niya, alam ko naririnig niya ako,” kwento ni Angelica.

Nang tanungin kung ano ang sinabi niya sa ina, she said, To be honest, (hindi ko alam) kung hihi­lingin mo na sana lumaban ka or kung nahihirapan siya, bumitiw na. Ang hirap. Kasi totoo naman na Diyos lang ang may decision noon. Wala akong ibang nasabi kundi mahal ko siya at sorry.”

Pagkatapos kay Dennis sa Amsterdam, Jennylyn lilipad pa-Taiwan kasama si Jericho

Kahit wala silang post ng picture sa Instagram together, obvious na magkasamang nagbakasyon sa Amsterdam sina Jennylyn Mercado and Dennis Trillo these last few days.

May kanya-kanyang post sina Dennis at Jen ng mga shot nila sa Amsterdam at wala sila kahit isang picture na magkasama pero siyempre, you can easily guess na magkasama sila.

Alangan namang nagkataon lang na nasa iisang bansa sila nang magkahiwalay, ‘di ba naman?

Pati nga ang fans nilang nagko-comment ay alam na magkasama sila at nagre-request ng picture nila together.

Suportado naman nila ang relasyon at kinikilig pa nga ang iba.

Matatandaang matagal nang natsitsismis na nagkabalikan ang dalawa at kung saan-saan na nga sila nakitang magkasama. Pero up to now, wala pa tayong pag-aming naririnig sa kanila.

Well, kung talagang sila, wish na lang natin sila ng happiness. Na kung hindi nag-work noon ang kanilang relasyon, sana this time ay mag-work na.

Anyway, Jen just took some time off para makapagbakasyon sandali after ng My Faithful Husband na serye nila ni Dennis.

Kagabi ang scheduled arrival ng aktres sa ‘Pinas from Amsterdam at sabak na agad siya sa work dahil ngayong umaga ang flight niya papuntang Taiwan para sa shooting ng Walang Forever with Jericho Rosales under Quantum Films na entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre.

Halos patapos na rin ang movie dahil showing na nga ito sa Dec. 25 and hopefully, baka December 4 ay wrap-up na ang shooting.

Arjo binagayan ang pagiging kontrabida

Masinop talaga si Arjo Atayde sa kanyang pera dahil in just three years niya sa showbiz, heto ngayon at may sarili na siyang negosyo na galing sa kanyang mga kinita.

Nagbukas last Saturday ang Skinita Street Foods sa Kapitolyo, Pasig na pinagsosyohan nilang magkakaibigan at magpipinsan.

Bukod sa mga pinsan at isang tiyuhin, kasosyo rin ni Arjo si Sancho na anak ni AiAi delas Alas.

Noon pa sinasabi ni Arjo na gusto niya ring magtayo ng negosyo na hindi naman kataka-taka dahil parehong mahilig sa business ang ama at inang sina Art Atayde at aktres na si Sylvia Sanchez.

Samantala, sobrang papuri ang natatanggap ni Arjo sa kanyang napakahusay na pagganap bilang Joaquin sa Ang Probinsiyano with Coco Martin. Maging ang mga co-stars nga niya mismo ay puring-puri siya kaya naman sobrang flattered and honored ang aktor sa mga magagandang feedbacks na natatanggap.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG PROBINSIYANO

ANGELICA YAP

ARJO

ARJO ATAYDE

ART ATAYDE

CALOOCAN CITY

CHINESE GENERAL HOSPITAL

COCO MARTIN

KUNG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with