^

Pang Movies

Para mabuhay ang showbiz career William dapat gawing inspirasyon si Gabby!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Halos magkasabayan lang sa showbiz sina William Martinez at Gabby Concepcion, pero ang layo ng hitsura sa isa’t isa ng dalawang aktor.

Ang laki ng itinanda ni William at lalo pang na-obvious ‘yon sa marami niyang puting buhok. Si Gabby naman kung titingnan mo ay parang hindi masyadong tumatanda. Guwapung-guwapo pa rin ang dating ni Gabby at obvious na inaalagaan niyang mabuti ang kanyang pangangatawan kaya naman marami pa rin siyang showbiz projects hanggang ngayon.

Sa Because Of You na bagong primetime teleserye nga ng GMA 7 na magpa-pilot telecast mamayang gabi kapalit ng Beautiful Strangers, marami ang mga nagkokomentong halos hindi malayo ang hitsura ng ex-husband ni Sharon Cuneta sa co-star niyang si Rafael Rosell.

Kung hindi mo tititigang mabuti, halos hindi mo mapapansin na nagkakatiyan na rin kahit paano si Gabby dahil nagagawa niyang itago ‘yon sa klase ng pananamit niya. May ilang mga nagsasabi nga na dapat ay ma-inspire si William kay Gabby at i-try na i-improve ang hitsura dahil posibleng makakuha rin ng maraming showbiz projects katulad ng tatay ni KC Concepcion. Wala kayang inspirasyon si William na puwedeng makatulong sa kanya para kahit paano ay bumalik ang dating hitsura?

Ang kuya ni William na si Albert Martinez ay na-maintain pa rin ang kakisigan hanggang ngayon at mas mukha pa ngang bata kesa sa nakababatang kapatid.

Isa si William sa pinakaguwapong aktor noong 80’s at nagkaroon pa nga ng tag na “Pabling” dahil habulin daw ng mga babae dahil sa kanyang hitsura that time.

Speaking of Gabby and Rafael, sila ang mag-aagawan kay Carla Abellana sa Because Of You.

Excited daw si Carla sa Because Of You dahil gandang-ganda siya sa istorya no’n.

Boss Vic may malalaking pasabog para sa ‘bagong’ TV5!

By second week of December daw ay magpapatawag ng press conference ang Viva Television ni Boss Vic del Rosario para opisyal na ipahayag at ilatag sa entertainment press ang mga pagbabagong magaganap sa pakikipag-partnership nila sa new TV5 ng businessman na si Mr. Manny V. Pangilinan at sa pamamahala ng presidente ng TV network na si Mr. Noel Lorenzana.

‘Yung mga naglalabasang mga balita tungkol sa shows na sisimulan ng Viva Television sa TV5 ay kulang-kulang pa. Marami pa ang magugulat sa ilang announcements na gagawin nila once na magpa-presscon na si Boss Vic kasama si Mr. Lorenzana.

Sabi-sabi ng mga nakakaalam sa mga pag-uusap ng dalawa, maganda raw ang partnership nina Boss Vic at Mr. Lorenzana dahil nagkakasundo sila sa halos lahat ng mga bagay. Wala raw kontrahan sa pagitan ng dalawang namamahala sa new TV5, kaya naman posible raw talagang sumulong ang sa ngayon ay itinuturing na third most powerful TV network in the land.

Ang aim nga raw ng TV5 ay iparamdam sa lahat na may malaki talagang pagbabagong magaganap sa kanilang TV network at gone are the days na basta na lang sila naglo-launch ng new shows na hindi naman daw nararamdaman.

This time, pinag-iisipang mabuti raw ang bawat show na ilu-launch at tiyak daw na magkakaroon ‘yon ng recall at followers.

Marami na nga ang excited sa new TV5 na magsisimula na sa 2016!

vuukle comment

ACIRC

ALBERT MARTINEZ

ANG

BEAUTIFUL STRANGERS

BECAUSE OF YOU

BOSS VIC

CARLA ABELLANA

GABBY CONCEPCION

MGA

MR. LORENZANA

VIVA TELEVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with