^

Pang Movies

AiAi kuntento na kahit best float lang sa MMFF!

Jun Nardo - Pang-masa

Binigyan ng bagong touch ang street food sa bagong bukas na Skinita Street Foodz sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.

Isa sa investors ng resto-bar ay si Sancho delas Alas, panganay na anak ni AiAi delas Alas.

Kaya naman nu’ng grand opening ng bar, present si AiAi upang ipadama ang suporta sa bagong venture ng anak.

Nandoon din ang anak ni Ai na si Sophia pati na ang ilang kaibigan sa press, at boyfriend na si Ge-rald Sibayan.

“Kay Sancho ko na ipinauubaya ang pagpasok sa business. Hindi tayo suwerte riyan eh. Pero balak ko ring sumosyo in the future!” sabi ni AiAi nang makausap ng press.

Last July pa nagkaroon ng soft opening ang Skinita. Matapos maayos ang papeles pati na konsepto ng bar, nagtuluy-tuloy na ito. Mga isaw ng manok at baboy, fishball, squid balls, puwet ng manok, balun-balunan at iba pang pagkain ng isahan at barkada ang nasa menu nito. Pero may kakaibang twist sa pagluto nito, huh!

Ayon kay Chef Pipoy Gerland, isa sa investors, na-intimidate daw ang mga tao na pumasok nu’ng unang. “Pero nang makita nila ang presyo ng food namin, napa-wow sila! Eh ang mga tao rito, very casual, very fun,” sabi ni Chef Pipoy.

Si Sancho nga ang nag-isip ng mga pangalan ng pagkain sa menu. Wala raw kinalaman si AiAi.

“Ngayon ko lang nakita ang menu. Natawa nga ako sa beer na mas malamig pa sa ex mo! Natuwa ako. Cute nga!” sey naman ni Ai.

Eh, ngayong Pasko, ano ang plano nilang mag-iina?

“Sa States kaming lahat. First time ng family namin kasi nandoon ang isa ko pang anak eh. Idea ko ito kasi ‘yung dalawa kong anak nasa Amerika eh. Gusto ko naman magkasama-sama kami. Last year, sila naman ang nag-Pasko rito. Kami naman ngayon. And also, greencard holder ako,” pahayag pa ng Comedy Queen.

Non-stop ang blessings kay AiAi. Ini-expect na ang festival movie nila ni Vic Sotto ay ma-ngunguna sa takilya.

“Bahala na si Lord diyan! Siya ang number one! Siyempre, kinakabahan ako.

“Matagal ko nang dream ‘yang MMFF. After three years, ngayon lang uli ako nakabalik! Saka siguro, talagang ibinigay sa akin ng Diyos itong pagkakataon na makabangon ako!” katwiran ni AiAi.

Biro pa niya, “Kahit best float lang ako, kuntento na ako! Ha! Ha! Ha! Basta kumita nang bonggang-bongga!”

Kasama rin sa cast ang AlDub loveteam. Kumusta naman sa shooting si Maine Mendoza sa una niyang sabak sa movies?

“Sweet si Maine! Sweet naman sila sa isa’t isa. Pero ‘yung iba nilang pinag-uusapan, hindi ko puwede (i-share)! Alam mo na!” tugon niya.

Ano feeling niya kina Alden Richards at Yaya Dub, sila na bang talaga?

“Malapit na malapit na! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni AiAi.

vuukle comment

ACIRC

AIAI

AKO

ALDEN RICHARDS

ANG

BARANGAY KAPITOLYO

CHEF PIPOY

CHEF PIPOY GERLAND

COMEDY QUEEN

KAY SANCHO

PERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with