^

Pang Movies

Historical movies nina Robin at ER, susugalan uli sa takilya!

Jun Nardo - Pang-masa

Sabay pa talagang ibabalik sa sinehan ang mga pelikulang Bonifacio Unang Pangulo ni Robin Padilla at Heneral Aguinaldo ni ER Ejercito.

Kapwa ito ipinalabas sa Metro Manila Film Festival pero hindi masyadong pinalad sa takilya, huh!

‘Yun nga lang, magkaiba ang kuwento ng dalawang mo­vies pagdating kay Aguinaldo. Bayani ang dating presidente ng bansa sa movie ni ER pero sa pelikula ni Robin, kontrabida siya’t nagpapatay diumano kay Bonifacio.

Umaasa siyempre ang producers ng dalawang movie na tatangkilikin na ng publiko ang proyekto upang magkaroon ng kaliwanagan tungkol kay Agui­naldo.

Eh, tumipak sa takilya ang historical movie na Hene­ral Luna na may parte rin si Agui­naldo.

Siyempre, kahit ipalabas muli, may gastos pa rin ang producers lalo na sa renta sa sinehan, huh!

Paolo, Antonio at Boy 2, puro kabaliwan ang ginawang music video

Bumuo ng grupo ang magkakaibigang Paolo Contis, Antonio Aquitania at Boy 2 Quizon, ang PARD.

Sila ang performers ng kabaliwang music videos na napapanood sa Bubble Gang.

Bukod sa GMA 7 gag show, napapanood din sa Facebook at YouTube channel ang videos ng tatlo.

In fairness, bentang-benta ito sa netizens, huh!

Ang resulta, isang record company ang nagkagusto sa videos na ginawa ng PARD. Kaya naman may mga bagong pang ideas na gustong gawin si Boy 2. Ilalabas ang compilation nito sa mga susunod na Linggo.

Naku, sa music video lang kaya may kabaliwan sina Paolo, Antonio at Boy 2? Hehehe!

Iñigo hindi na ipapareha kay Julia?!

Ay, lumabas na ang trailer ng drama series ni Julia Barretto, huh! Tuloy naman pala ito!

Naglabasan kasi noon ang balitang na-shelved ang drama series. Kaya marami ang nagulat nang may announcement sa social media na ilalabas na ang trailer.

‘Yun nga lang, sa poster materials ng series, hindi na solo ni Julia ang pagiging bida, huh!

Present na ang mukha ni Miles Ocampo at dalawang senior actresses.

Pero wala kaming nakitang picture ni Iñigo Pascual sa poster na ini­rereto kay Julia dahil semplang ang tambalan nila ni Enrique Gil, huh!

Hangga’t nag-iingay si Dennis Padilla, ama ni Julia, tungkol sa anak, mahihirapang paangatin ng Ka­pamilya network ang anak ni Marjorie Barretto, huh!

Male singer nakukulangan sa suporta ng kanyang network

Umaangal na raw ang isang young male singer sa network na dumiskubre sa kanya. Nagawa mang paingayin ng network ang pangalan niya, hindi naman ito nagtuluy-tuloy, huh!

Eh, magaling namang kumanta ang singer. May international awards pa siya. Sad to say, waley rin itong silbi.

So nagtatanung-tanong na ang magulang ng singer sa ibang kaibigan kung may kakilala sa ibang networks upang makalayas na sa network na kumuha sa kanila.

Bagay pa naman sa network ang singer dahil may kalambutan din ito, huh!

vuukle comment

ACIRC

AGUI

ANG

ANTONIO AQUITANIA

ATILDE

BONIFACIO UNANG PANGULO

BUBBLE GANG

DENNIS PADILLA

ENRIQUE GIL

HUH

JULIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with