^

Pang Movies

Dating asawa ni Mayor Rodrigo Duterte, may maaanghang na pasabog sa ex

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Abellana ang apelyido ni Elizabeth Abellana Zimmerman, ang ex-wife ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na kandidato sa pagkapangulo ng bansa sa 2016.

Hindi ko alam kung related si Elizabeth sa mag-amang Rey at Carla Abellana.

Pinag-uusapan si Elizabeth dahil sa mga pasabog niya laban sa kanyang dating asawa.

Matitindi ang pahayag ni Elizabeth laban kay Papa Rudy dahil personal at nakakasira sa matapang na imahe ng alkal­de ng Davao City na nag-aambisyon na maging presidente ng Pilipinas.

Knowing Papa Rudy, tiyak na sasagutin niya ang mga nakakaloka na pahayag ng kanyang ex-dyowa.

Puwedeng sabihin ni Papa Rudy na gawa-gawa ng detractors niya sa pulitika ang biglang paglitaw ni Elizabeth.

Ramdam na ramdam na talaga natin ang papalapit na eleksyon dahil nagsisimula na ang mga paninira sa lahat ng mga presidential candidate mula kay Mar Roxas, Vice President Jojo Binay, Senator Grace Poe, Senator Miriam Defensor-Santiago at Mayor Duterte.

Hindi ba puwedeng ang  achievements at ang mga maitutulong nila sa bayan ang pagtuunan ng pansin, hindi ang  mga kasiraan na ibinibintang sa kanila? Kung paniniwalaan   kasi ang mga paninira sa mga kandidato, parang wala nang normal sa kanila at puro kasamaan ang umiiral na salat naman sa katotohanan.

Derrick ngayon lang uli makakakanta

May karapatan na magkaroon ng record album si Derrick Monasterio dahil maganda ang singing voice niya.

Bata pa lang si Derrick, member na siya ng choral group na lumalaban sa ibang bansa.

Mga classic song ang forte ni Derrick pero type din niya na makilala bilang balladeer.

Sinusundan ni Derrick ang yapak ni Alden Richards na recording artist ng GMA Records.

Pumirma na rin si Derrick ng kontrata sa recording outfit ng GMA 7 na hindi nag-atubili na bigyan siya ng sariling record album dahil naniniwala ang mga bossing sa singing talent ng young actor.

Carla at Rey Abellana, package deal daw

Masipag mag-ikot sa mga show ng GMA 7 sina Carla Abellana at Gabby Concepcion dahil bukas na ang pilot telecast ng kanilang romantic comedy teleserye, ang Because of You.

Mga guest kahapon sa Eat Bulaga ang dalawa dahil nag-promote sila ng Because of You.

Ngayon naman, aapir sila sa Sunday PinaSaya para i-remind sa mga tao ang kanilang teleserye na kapalit ng Beautiful Strangers.

Gamay na nina Carla at Gabby ang isa’t isa dahil nagkasama na sila noon sa isang pelikula ng Regal Entertainment Inc. pero first time nila na nagkatrabaho sa isang television series.

Ang tatay ni Carla na si Rey Abellana ang kasabayan noon ni Gabby sa showbiz. Sino ang mag-aakala na darating ang araw na magiging leading lady niya sa teleserye ang anak ng kanyang kakontemporaryo?

Kasama rin si Rey sa cast ng Because of You kaya iniintriga na package deal sila ng kanyang anak.

In fairness kay Rey, sumikat naman siya noon sa Anna Liza, ang soap opera ng GMA 7. Kinabaliwan noon ng fans ang loveteam nila ni Leni Santos pero hindi sila nagkatuluyan dahil si Rea Reyes na anak ng veteran actress na si Delia Razon ang napangasawa niya. Si Carla ang bunga ng pagmamahalan nina Rey at Rea na nauwi rin sa paghihiwalay ang relasyon.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

ANNA LIZA

BEAUTIFUL STRANGERS

BECAUSE OF YOU

CARLA

CARLA ABELLANA

DAHIL

MGA

PAPA RUDY

REY ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with