^

Pang Movies

Andi mas malakas pa sa lalaki

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Inamin ni Andi Eigenmann na minsan ay mas nasasaktan niya ang kanyang sarili habang sinu-shoot nila ang pelikulang Angela Markado.

Noong nagsu-shoot daw sila ay kadalasan ay black and blue siya dahil sa mga eksena. Pero wala raw kinalaman dito ang mga gumanap niyang ra­pists sa movie na sina Paolo Contis, Felix Roco, Polo Ravales, Epy Quizon at CJ Caparas.

 “In fairness sa mga boys, they really took care of me. Hindi nila ako pinapabayaan na masaktan sa mga scenes.

 “Kung masaktan man ako, it’s all my fault.

 “Ako kasi, sometimes reckless ako. Hindi ko iniisip muna ang mangyayari sa eksena bago ko siya gawin.

 “Kaya ayun, napapasaan ako ng hindi ko alam. It’s all my doing naman. Masyado lang akong makulit minsan. Hindi lang ako careful kahit na pinagsasabihan ako ni Direk Carlo (Caparas),” ngiti pa ni Andi.

Kinaya nga ni Andi ang mga mahihirap na eksena sa Angela Markado dahil panay ang ensayo niya ng Mixed Martial Arts.

 “There are scenes here na kailangan physically ready ako.

 “May mga fight scenes ako with the boys. Kaya nakatulong ang pag-train ko sa MMA.

 “Feeling ko nga, mas ako ang nakasakit sa mga rapist kesa sa sila ang nakasakit sa akin!” tawa pa niya.

Nakatulong din daw na hindi napanood ni Andi ang original na Angela Markado na pinagbidahan ni Hilda Koronel in 1980. Mas nabigyan daw niya ng sariling interpretation ang role ng isang rape victim na naghanap ng hustisya.

Katrina hindi na adik sa pagpapaseksi

Hindi iniinda ni Katrina Halili ang pagbilog ng kanyang katawan ngayon dahil senyales daw iyon na happy siya sa buhay niya.

Hindi na raw siya obsess tulad noon na kailangan ay sexy siya parati. Mas nagiging priority na niya ang maging ina sa kanyang anak na si Katy.

 “Hindi ko na priority ang magpa-sexy talaga. Hindi na tayo tulad noon na konting taba ko lang, diet agad, gym agad.

 “Ngayon okey lang kasi nagkaroon na ako ng contentment sa sarili ko.

 “I’m happy with how I look now. Sabi nga nila may inner glow ako ngayon. Maybe because masaya ako sa buhay ko.

 “Isa sa nagpapasaya sa akin ay ang baby girl ko na si Katy.

 “Every day may nangyayaring bago sa kanya. Nakakapagsalita na siya ng diretso. Nakakatuwa kasi nakakapag-usap na kami ng maayos,” ngiti niya.

Noong tanungin kung “papa” o “mama” ba ang unang nasabing word ni Katy? Sagot ni Katrina ay “papa”.

 “Masakit man aminin pero papa ang una niyang nasabi!

 “Hindi ba? Para sa isang nanay, gusto mo mama ang unang sabihin ng baby mo?

 “Pero okey lang. Kung ang papa ba niya ang unang hinahanap niya, eh. Huwag lang siyang lalaking papa’s girl at ako ang nandito, ‘noh!” sabay tawa niya.

Natutuwa si Katrina dahil sa mga feedback na nakukuha niya bilang kontrabida sa teleserye na Destiny Rose.

Abangan daw ang magiging pisikal na confrontation nila ni Ken Chan dahil isang matinding girl fight daw ito.

The Voice mentors na sina Blake Shelton at Gwen Stefani, inlove na sa isa’t isa

Nagsalita na ang award-winning country singer na si Miranda Lambert tungkol sa kanyang divorce sa The Voice mentor na si Blake Shelton.

Nag-file ng divorce ang couple four months ago na ikinabigla ng mga kaibigan nila.

 “Marriage is a tough business, and we gave it our best college try.

 “I had a great relationship with an amazing man, so I know what good is. I have a great launching pad for the future. I will never take that for granted,” sey ni Lambert sa Cosmopolitan magazine.

Apat na taon na kasal sina Miranda at Blake, pero wala silang naging anak.

Nali-link ngayon si Blake sa kanyang co-mentor sa The Voice na si Gwen Stefani na nag-file din ng divorce sa kanyang mister na si Gavin Rossdale. Tatlo naman ang naging anak ni Gwen kay Gavin.

Si Miranda ay nagsimula na rin makipag-date. Wala pa raw itong balak na makipagseryosohan sa ngayon.

 

vuukle comment

ACIRC

AKO

ALIGN

ANG

ANGELA MARKADO

HINDI

LEFT

NBSP

NIYA

QUOT

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with