^

Pang Movies

Isko gustong pa-endorso kay Robin!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Si Robin Padilla ang gusto ni incumbent Manila Vice Mayor Isko Moreno na magtaas ng kamay niya kapag magsisimula na ang kampanya niya sa pagka-Senador ng bansa sa February, 2016.  Bakit si Robin? “Bukod sa mabait, totoong tao si Robin, may pagtingin siya sa mahihirap,” sagot ni Isko (iyon daw ang itawag na lamang sa kanya) after ng thanksgiving lunch na ibinigay niya sa mga entertainment press.  “Nakikita natin kung paano siya lumaban sa mga issue, personal man o sa ibang tao.”

Gusto ni Isko na i-tap para tumulong sa kanyang kampanya ang entertainment press dahil marami sa kanila ang kilala na kung sino siya since 18 years old pa lamang siya. 

Inamin niyang wala siya ganoong kalaking pera para sa kampanya, dahil mayroon lamang siyang ilang business na pinagkakakitaan at ang kanya na­mang wife ay nagtatrabaho rin. 

Inaasahan din niyang makakatulong sa kanya ang pagiging President ng Vice Mayor League of the Philippines kaya nakaiikot na siya sa bansa, nakagaling na siya as far as Basilan sa South at Tuguegarao sa North. 

Siguro raw kung nakikilala pa rin siya bilang ang artistang si Isko Moreno sa paglilibot niya, ipaki­kilala na lamang niya ang sarili niya bilang isang mambabatas na marunong na ring gumawa ng mga batas sa panunungkulan niya ng 18 years sa lunsod ng Maynila.  Napaghandaan na rin niya iyon sa pa­ma­­magitan ng pag-aaral niya, sa UP at sa grant na natanggap niya mula sa Harvard at Oxford universities abroad.

Sinagot ni Isko ang tanong kung magkano raw ang nawala sa Maynila sa pagdaraos ng APEC Sum­mit.  Inamin ni Isko na may isang negosyanteng nagsabi sa kanya na nawalan siya ng P110 million dahil sa APEC, pero ang bonus daw naman, lahat ng hotel sa Maynila, 60 percent ay fully booked dahil sa dami ng APEC delegates na duma­ting. 

Sa tanong kung hindi ba naging issue sa mga nagpunta sa Luneta ang Torre de Manila, hindi na raw niya pwedeng sagutin iyon dahil nasa Supreme Court na ang kaso. Sa survey ng mga senatoriables, alam na ba ni Isko kung pang-ilan siya? 

“Sa publicly announced and written na balita, nasa number 14 na po ako.”  

Kalyeserye puro iyakan na

Magiging masaya na ba ang AlDub Nation mamaya sa kal­yeserye ng Eat Bulaga?

Four days na silang malungkot sa mga eksena between Alden Richards at Maine Mendoza aka Yaya Dub dahil nag-give way na si Yaya para hindi masuway ni Alden ang gusto ng Lola Babah (AiAi delas Alas) na ipakasal ang apo sa Russian model na si Cindy, para sa kanilang family business sa Russia. 

Sabi ni Yaya kay Lola Nidora (Wally Bayola), iyon daw lamang ang alam niyang gawin para la­yuan siya ni Alden. 

Pero si Alden, hindi matanggap iyon at gagawin daw niya ang lahat para hindi matuloy ang kasal.

Si Cindy rin kaya ang makatulong para hindi matuloy ang kasal nila ni Alden?  Dumating na nga kasi ang Italyanong si Frankie Arenolli, played by Jose Manalo, at simula nang magkita sila sa bara­ngay, hindi na sila nagkahiwalay, mukhang na-in love agad si Cindy kay Frankie.  Hindi na rin nababanggit ni Cindy si Alden.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

ISKO

LEFT

NBSP

NIYA

QUOT

SHY

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with