^

Pang Movies

Cong. Roman at Shalani, isinasabay ang paggawa ng baby sa kampanya!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Late dumating si Shalani Soledad-Romulo sa intimate lunch with some entertainment press ng mister niyang si Cong. Roman Romulo at sister-in-law na si Mons Romulo.

Nagbalot pa kasi ng gifts at gumawa ng Christmas cards si Shalani, kaya sumunod na lang siya sa kanyang mister.

Eh, panay ang biro ni Manay Lolit Solis ng “The late Shalani” sa kanyang alaga, kaya nag-dialogue ang misis ni Mon ng, “’Nay, ‘wag naman, hindi magandang pakinggan” at natawa na lang ang isa sa hosts ng CelebriTV ng GMA 7.

Anyway, sa pakikipagtsikahan namin kay Cong. Roman na kumakandidatong senator sa partido nina Sen. Grace Poe and Sen. Chiz Escudero ay nabanggit niya na kaya hindi rin kumakandidato sa kahit na anong posisyon si Shalani ngayong 2016 elections ay dahil bukod sa sinasamahan siya ng kanyang misis sa iba’t ibang mga probinsiya ay baka makabuo rin daw sila habang nangangampanya.

Meaning, naisisingit pa rin pala nila ang pagla-lovey-lovey in between ng kanilang pangangampanya.

“Baka suwertihin at makabuo, kaya hindi na rin nag-file ng kanyang candidacy si Shalani at busy rin naman siya sa pagtulong sa akin,” sabi ng guwapong  congressman ng Pasig City na ang kumakandidato naman ngayon sa posisyon na ‘yon ay ang kapatid na si Mons.

Nang tsikahin ko naman si Shalani, nabanggit ko sa kanya ang sinabi ng kanyang mister na baka makabuo pa rin sila ng baby habang nangangampanya at kinumpirma ‘yon ng dating co-host ni Willie Revillame.

“Sana nga, makabuo kami,” sey ni Shalani na although mabilis nang magsalita ngayon ay matipid pa rin, huh!

Nabanggit nga rin pala ng mister ni Shalani na gusto pa rin niyang bumalik sa telebisyon ang misis.

Ayon kay Cong. Roman, kapag sinasamahan siya ni Shalani sa paglilibot sa iba’t ibang mga probinsiya ay mas kilala pa raw ang kanyang misis.

Sa Mindanao nga raw, kilalang-kilala si Shalani.

“Siguro in the future, walang problema sa akin kung magbabalik sa TV si Shalani. She can still host,” at ikinuwento nga na sobrang pinagkakaguluhan ang kanyang misis sa mga lugar na kanilang pinupuntahan.

Actually, malaking plus factor nga si Shalani sa kandidatura ni Cong. Roman sa pagka-senator.

Mons Romulo, nahihiyang magpatulong sa mga artistang kaibigan

Si Mons naman na maraming celebrities na kaibigan ay nahihiya raw na magpatulong sa kanyang kampanya.

Nang ma-corner ko nga si Mons, ang tungkol sa marami niyang celebrity-friends ang napag-usapan namin.

“Nahihiya nga akong lumapit sa kanila. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya talaga!”

Pero hindi naman niya kailangang lumapit, for sure, sila mismo ang mag-o-offer ng tulong kay Mons.

Anyway, inusisa ko rin si Mons kung papayag ba siya kung mag-offer ng tulong sa kanya ang isang aktres na dati ring naging politician?

Nagkaroon kasi ng problema si Mons sa babaeng ‘yon nang mag-react ito tungkol sa isang cook book na in-edit niya. Pero wala namang nagawa ang nasabing aktres dahil wala naman sa lugar ang kanyang ginawa kay Mons.

vuukle comment

ACIRC

ANG

CHIZ ESCUDERO

GRACE POE AND SEN

KANYANG

MANAY LOLIT SOLIS

MONS

MONS ROMULO

NAMAN

RIN

SHALANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with