^

Pang Movies

Dennis binura na ng mga anak

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Masakit nga siguro ang nangyari sa buhay ni Dennis Padilla. Inaamin naman niyang dumating sa kanyang buhay na halos wala siyang trabaho. Nagkahiwalay sila ng kanyang asawa, at later on maging ang mga anak niya ay gusto nang mahiwalay nang legal sa kanya. Ipinaalis na nila sa kanilang pangalan ang apelyido ng tatay nila at ang apelyido na lamang ng nanay nila ang gamitin.

Tinutulan ni Dennis ang mga bagay na iyon, dahil kinikilala naman niya ang mga anak niya, at noong mga bata pa sila ay ga­mit naman talaga ang apelyido niya, pero ang masakit nga noong panahong iyon ay wala siya talagang career at hindi niya kayang sustentuhan ang kanyang mga anak. Nagsawa na rin naman siya sa kahahabol, kaya nagpasya na siyang itigil ang paghahabol sa kanyang mga anak. Kung ayaw na nga ba ng mga anak niya eh ano ang kanyang magagawa. Kung mayroon mang magagawa, bakit naman niya pipilitin.

Nakabawi naman si Dennis. Ngayon ay may career na naman siya. May TV shows siyang ginagawa at may pelikula pa. Kahit papaano siguro ay kaya na niyang tumulong sa kanyang mga anak, kung hindi man niya maibibigay ang lahat ng mga pangangaila­ngan, willing naman si Dennis na magbigay, kasi nga mga anak naman niya iyon.

Ang masakit, hindi naman daw niya alam kung papaano maibibigay kung ano man ang makakayanan niya sa kanyang mga anak. Hindi niya nakakausap ang mga iyon. Ni hindi siya alam kung papaano niya sila mapapadalhan ng kahit na ano. Tumatawag daw siya at nagte-text pero hindi na siya sinasagot ng sino man sa kanyang mga anak.

Nakakaawa iyong mga kagaya ni Dennis, kasi hindi naman siya masamang tao. Hindi naman nabalita na minaltrato niya ang kanyang mga anak. Totoong nagkulang siya dahil bumagsak nga ang kanyang career noon. Hindi nangangahulugan iyon na inabandona niya ang kanyang mga anak.

Mas naisip ang tinanggap na milyun-milyon artistang may iniendorsong pulitiko, apektadung-apektado na ang career

Aminado ang isang PR man na nakausap namin, talaga ngang naapektuhan na ang popularidad, pati ang ratings ng TV show ng kanyang alagang artista simula nang magkampanya iyon openly para sa isang pulitiko. Sagad naman kasi iyong kampanya niya eh. Iyong ibang artista nagpe-perform lamang, kumakanta sila kung may mga political rally, hindi naman kagaya nila na outright endorsement talaga. Pero siguro nga hindi mo rin masisi dahil malaki ang bayad.

Pero ang pagkakampanya maging ng mga sikat na artista ay hindi isang katiyakan na mananalo ang isang kandidato. Natatandaan namin ang kuwento noon ng isang pulitiko na napakalaki ng ginastos sa mga artistang nagkampanya para sa kanya, pero natalo pa rin. In the end sinasabi niya, hindi pala effective ang ganoon.

Mayroon ding dalawang sikat na artista na openly, nagkampanya para sa isang kandidato noon na nanalo man ang ikinampanya, bumagsak din ang career nila pagkatapos. Kasi parang nasisisi rin sila ng mga nakinig sa kanila matapos na mahirapan ang mga iyon sa kanilang buhay.

Kaya nga sinasabi namin, kikita nga nang malaki ang isang artista pero malaking disadvantage din sa kanila ang mag-endorso ng mga kandidato kung eleksiyon. Iyon kasing mga pulitiko nagbabayad ng artista, iyan ang mga taong naniniwala rin na wala silang kapasidad na manalo kung sila lamang.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

HINDI

IYON

KANYANG

KUNG

MGA

NAMAN

NGA

NIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with