^

Pang Movies

Korona ni Cristine sa paseksihan wala pa ring makaagaw

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi totoong hindi na magbabalik-showbiz si Cristine Reyes. Katunayan, may bagong teleserye sila ni Zanjoe Marudo, ang Tubig at Langis na eere sa ABS-CBN. Magbabalik si Cristine na wala sinumang naka-occupy ng kanyang position bilang pinakaseksing star.

Ibang klase talagang mag-alaga ng katawan si Cristine, kesehoda pang may baby na siya.

Hinulaan nga noon na may posibilidad na pumalit kay Cristine sa pagandahan ng figure si Ellen Adarna. Kaso, walang nangyari. Hindi pa rin napalitan ang beauty ng utol ni Ara Mina.

Teka, nasaan na ba si Ara Mina, na isa ring mahusay na aktres?

Tinitingala kasi ‘pag kausap baguhang si Jonariz Flores nahihiya kay Nora

Isa pang movie ni Nora Aunor na hindi na gaanong naririnig ang Kabisera directed by Boy San Agustin. Naabutan yata ito ng pagkakaroon ng teleserye ni Guy, ang Little Nanay kaya nagkakaroon ng problema sa schedule ng shooting. Malimit kasi, sa Bustos, Bulacan at Laguna pa kinukunan ang mga eksena nila.

Maganda ang istorya ng Kabisera. Sa rami ng problema ni Guy sa kanyang pamilya, buhat noong mapatay ang asawang si Ricky Davao, sa balikat niya napunta ang responsibilidad. Nakakatuwang malaman na magkasama sila ng anak niyang si Lotlot de Leon, na nabalita noong nakatampuhan niya. Wala talagang makakatiis na anak, sa kanyang ina.

Introducing sa movie si Jonariz Flores, graduate ng De La Salle sa Dasmariñas, Cavite at gumaganap bilang abogada ni Guy. Mataas si Jonarez, five seven at pwedeng sumali sa Miss Philippines.

Iba pala ang katwiran ng dalaga, ayaw niyang pinagmamasdan ang kanyang hubog ng katawan, lalo’t naka-bathing suit.

Pasado ang acting ni Jona para kay Direk Roy. Nahihiya raw ang dalaga kapag nag-uusap sila ng Superstar dahil nakatingala raw sa kanya dahil napakataas niya. Nahihirapan tuloy siyang makahanap ng perpektong boyfriend na dapat ay mataas din.                              

vuukle comment

ANG

ARA MINA

BOY SAN AGUSTIN

CRISTINE

CRISTINE REYES

DE LA SALLE

DIREK ROY

ELLEN ADARNA

JONARIZ FLORES

KABISERA

NBSP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with