^

Pang Movies

Siguradong magtataas-presyo lalaking bayaran naka-penetrate na sa showbiz

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nape-penetrate na ng mga lalakeng suki ng mga male bikini contests ang showbiz.

Ilan na nga silang napapanood sa mga teleserye, kaya lumalakas ang loob ng iba na gayahin sila.

May isa ngang pinag-audition ng kanyang handler para sa isang indie film. Sa pagpasok pa lang ng lalakeng ito ay napanganga na ang mga bading sa kuwarto dahil kilalang-kilala nila ito dahil sa physical attributes nito.

May kinausap lang ng ilang minuto ang handler ng lalake ay mabilis na kinuyog at kanya-kanya silang nagbigay ng calling cards nila.

May reputasyon kasi ang male talent na ito na kapag hindi nananalo sa bikini contest ay nagpapa-take home ito sa kung sinong judge na type siya at susulitin niya ang ginastos niya sa pamasahe at paghahanda sa contest.

Kasama naman kasi niya ang nagbubugaw sa kanya kaya maganda ang presyong nakukuha niya.

Kaya naman kalat na nga ang kanyang mga ginagawa noon at ngayon na gusto na niyang mag-showbiz, lalong maraming gusto siyang tikman.

Pero dahil sa mag-aartista na nga siya, natural lang naitataas ng kanyang handler ang talent fee nito.

Kung dati ay masaya ito sa halagang P5,000 na bayad, ngayon ay tiyak na doble ang sisingilin ng handler nito, lalo’t alam niyang maraming gustong matikman siya.

Siyempre to the highest bidder mapupunta ang lalaking ito.

At least, bago pa malaspag ang katawan nito, makakaipon na siya ng mas malaki dahil sa mga bagong kliyente niya mula sa showbiz.

Kapuso stars nagmukhang extra lang sa x-mas ID ng GMA, AlDub at mga lola bidang-bida

Dinaig ng mga kalyeserye stars ang ibang Kapuso stars sa naganap na shoot para sa GMA Christmas Station ID.

Bidang-bida ang kalyeserye stars ng Eat Bulaga na sina Alden Richards, Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub at ang tatlong lola na sina Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo).

Kinunan nga sina Alden at Maine na parang sina Joseph and Mary samantalang ang tatlong lola naman ang mistulang tatlong hari.

Magkasama rin silang lima sa umeere ngayon na McDonald’s TV commercial.

Naging usap-usapan nga sa kanilang station ID shoot ang nakakatuwang video na lumabas sa BuzzFeed tungkol sa AlDub loveteam.

Sa naturang two-minute video, pinag-usapan ng mga American ang ti­nagurian ngayong “global phenomenon” na #AlDub at pati na ang Eat Bulaga.

Pagkatapos ngang matalakay ang AlDub sa CNN, BBC at Bloomberg, heto at pati BuzzFeed ay nahawa na rin sa AlDub Fever.

Tinalakay nga nila kung ano ang ibig sabihin ng “pabebe”. At ginaya nga ng isang American girl ang pagpabebe wave ni Yaya Dub at pati na ang facial expressions nito kapag nagda-dubsmash.

Pati ang pag-pronounce nila ng Eat Bulaga ay Eat Balooga. Akala ng isa na ang meaning ng Bulaga ay isang “cute whale”.

Brad Pitt at Angelina, nagbalik-tanaw sa madilim na pinagdaanan

Sa isang rare interview, nag-open up ang mag-asawang Brad Pitt at Angelina Jolie tungkol sa kanilang pagsasama at kung paano nila napapanatiling matibay ito kahit na maraming pagsubok na dumarating sa kanila.

Ginawa nila ito sa isang special edition ng The Today Show.

Isa nga sa naging malaking pagsubok sa pagsasama ng dalawa ay ang mga na­;ging health issues ni Angelina.

Nadiskubre ni Angelina na carrier siya ng isang mutation na magpapa-increase ng risk na magkaroon siya ng breast and ovarian cancer.

Inamin ng mag-asawa na labis na naapektuhan nito ang kanilang pamilya.

“I was out in France, and Angie called me and I got straight on a plane to return.

“Seeing my wife have to be her strongest and knowing that it’s the scariest news is terribly moving and not being there is a horrible feeling,” pag-aalala pa ni Brad.

Dumaan si Angelina sa isang double-mastectomy at pinatanggal niya ang kanyang ovaries and fallopian tubes para sa kaligtasan niya.

“You never know what a reaction is—you have to just make the choices you make in life.

“I made the choices I made because I believed they were right for me.”

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGELINA JOLIE

BRAD PITT

CHRISTMAS STATION

EAT BULAGA

ITO

MGA

NGA

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with