^

Pang Movies

Pinaasa lang, aktor naliitan sa TF, biglang backout sa malaking event ng aktres

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binitin ng isang aktor ang isang malaking event sa probinsiya matapos niyang sagutan na dadalo siya. Siyempre, nagkaroon ng early announcement ang organizers para dumami ang taong sumali sa event.

Kaso, mga three days before ng event, nagkansela ang aktor. May biglaan daw siyang emergency kaya nag-back out siya. Nataranta siyempre ang organizers kaya todo hanap sila ng kapalit sa aktor, huh!

Feeling tuloy ng nag-invite sa aktor, ‘yung maliit na talent fee ang dahilan ng pag-back out ng aktor. Kasi nga, ‘yung event ay bahagi ng selebrasyon ng isang malaki at kilalang tao sa probinsiya na may kuneksyon sa showbiz, huh!

Buti na lang, may artistang pumayag na humalili sa aktor at umokey kahit honorarium lang ang bigay!

Ate Vi sa kongreso ang destino sa eleksyon

Matapos magpunta ni Angel Locsin sa Comelec last Monday, ang co-star niya sa Star Cinema movie na si Governor Vilma Santos-Recto ang dadayo ngayong araw na ito sa Comelec upang samahan ang husband niyang si Sen. Ralph Recto na magpa-file ng certificate of candidacy bilang reelectionist na senador.

Eh sa parte ni Gov. Vi, pinili niyang bumalik sa Lipa City upang makabayad sa bayan na nakatulong sa kanya nu’ng nagsisimula pa lang siya sa pulitika. Tatakbong congresswoman sa lone district ng Lipa si Gov. Vi at sa Huwebes naman siya magpa-file ng COC niya sa Batangas Capitol after ng isang misa. Sasamahan naman siya ni Sen. Ralph at anak na si Luis Manzano.

“Mas pinili ko ang Lipa over VP kasi ‘yun talaga ang gusto ko at kaya kong gawin,” text sa amin ni Gov. Vilma. “Alam kong marami pa akong magagawang mabuti para sa Lipenos. I love serving the people of Batangas!” bahagi pa ng text sa amin ni Gov. Vi.

Pagdating naman sa movie nila ni Angel, tuloy pa rin ang shooting ni Ate Vi pero tuwing weekends na niya ito nagagawa.

AiAi isang hilera ang guests sa concert para kay Mama Mary

Sa Nobyembre 23 na pala ang concert na pinu-produce ni AiAi de las Alas para kay Mama Mary, ang For The Love of Mama sa Mall of Asia Arena. Personal na ginawa ni AiAi ang poster upang mailabas na’t magkaroon na ng awareness ang mga gustong manood.

Ilang sa special guests ni AiAi na inimbita niya para sa benefit concert na ito ay sina Erik Santos, Alden Richards, Nikki Gil, Gabbi Garcia, Ruru Madrid, Sancho de las Alas at Madrigal Singers.

Join din sa benefit concert ang grupong Priests in the City, K5, Michael Angelo Lobrin, Fatima Soriano at Bro Bo Sanchez.

Ang kikitain ng concert ay para sa pagpapatayo ng isang simbahan sa Fairview QC.

Kagagaling sa Japan ni AiAi at live na siyang mapapanood sa Sunday PinaSaya this Sunday.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

ANGEL LOCSIN

ATE VI

BATANGAS CAPITOL

BRO BO SANCHEZ

COMELEC

ERIK SANTOS

FATIMA SORIANO

MAMA MARY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with