^

Pang Movies

Jay-R itinanghal na unang Clash of Celebrities Winner

Pang-masa

MANILA, Philippines – Wagi ang ginawang performance ng King of RnB na si Jay-R sa pasiklaban ng talento ng mga artista sa COC: Clash of Celebrities noong Sabado (Oct 10).

Bagama’t mas kilala sa larangan ng pag-awit, pinatunayan ni Jay-R na kayang-kaya niya rin makipagtagisan ng galing sa sayawan sa kanyang pag-indayog sa saliw ng pinagsama-samang katutubo at modernong musika. Nagkamit si Jay-R ng P200,000 bilang premyo sa nasabing contest.

Nakipag-clash din sa COC ang mga Kapamilya stars na sina Mika dela Cruz, na ipinakita ang galing sa cheerleading; Sarah Lahbati, na nagpaka-rock star sa kanyang performance; at Giselle Sanchez, na nag-beatbox at nagpaindak sa madlang people.

Samantala, hindi naman nakasama sa grand finals ng nasabing patimpalak ang teen star na si Ella Cruz. Ayon sa dalaga, siya raw ay na-aksidente habang nag-i-ensayo para sa kanyang grand finals routine.

Nag-post din ng litrato si Ella sa Instagram at nagsabing siya raw ay kasalukuyang nang nagpapagaling.

At sa pagpapatuloy ng kanilang month-long ANIMversary, abangan ang mga pasabog na performance ng It’s Showtime hosts sa nalalapit na Magpasikat week na siguradong magpapamangha sa mga manonood.

Pagkatapos ng matagumpay na pasasalamat ng Kapamilya stars sa Biñan, ngayon naman ang It’s Showtime at ASAP 20 ay patungong Cebu.

Abangan ang inyong mga pinakapaboritong Kapamilya stars sa Kapamilya Thank You! Biyaheng Cebu ngayong October 17 and 18 sa Hoops Dome, Cebu City.

Anim na taon nang nagdadala ng saya at good vibes ang It’s Showtime sa madlang people. Sa pangunguna nina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Jhong Hilario, Kuya Kim Atienza, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, at Eruption, ang It’s Showtime ay na­ging daan upang maipamalas ng mga Pilipino ang kanilang talento sa iba’t ibang larangan. Ang ilan sa mga tumatak at pinag-usapang segment ng programa ay ang PINASikat, I am Pogay, Mini Me, at Sine Mo ‘To.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANNE CURTIS

BILLY CRAWFORD

BIYAHENG CEBU

CEBU CITY

CLASH OF CELEBRITIES

ELLA CRUZ

JAY-R

KAPAMILYA

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with