^

Pang Movies

Talbog... Felix Manalo naka-p50-M sa first day!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Winarak ng Felix Manalo, ang pinag-uusapang epic filmbio ng Viva Films starring Dennis Trillo, ang lahat ng ibang box-office records nang magbukas ito sa mahigit na 400 na sinehan nationwide at humakot ng tumataginting na P50 million nu’ng Miyerkules, Oct. 7.

Sa ilalim ng direksyon ng batikan at multi-awarded na si Joel Lamangan kasama ang pinakamalaking cast ever assembled for a local film, hawak daw ngayon ng Felix Manalo ang record bilang all-time highest-grossing non-holiday, non-payday opening at tinabunan ang kahit anong local release sa bansa.

Unprecedented ang pelikula dahil ang Viva at kanilang partner cinemas ay nag-pre-sell pa ng tickets para sa regular run isang linggo bago ang playdate.

Mayor Herbert pinipilit mag-senador

Nasisisi na naman si Mayor Herbert Bautista sa naka-schedule na deklarasyon ng Liberal Party ng line up ng senatorial bets nito kahapon. Hayun, umagang-umaga at nalantakan na naman siya ni Ted Failon sa radio program niya.

Ang pagkakaalam namin, nasa abroad si Mayor HB kasama si Vice Mayor Joy Belmonte. Kapwa nga sila hindi nakadalo sa opening night ng QC International Pink Festival (QCIPFF) last Tuesday sa Gateway Mall Cinema 1, huh!

Isa kasi si Bistek sa pinagpipilian na senatorial bets ng LP. Lalo na ngayong kumalas na si dating MMDA Chairman Francis Tolentino sanhi ng kontrobersyang dulot ng Playgirls performance sa Sta. Cruz, Laguna, puwede nang ipalit si Mayor sa puwesto niya.

Eh sa himig ng pananalita ni Mayor Bistek nu’ng huli naming makausap, mas gusto niyang tapusin na ang last term niya bilang QC Mayor sa 2019 bago sumabak sa mas mataas na posisyon! Mahirap pilitin ang isang tao kung ayaw, huh!

Pastillas Girl hindi nagpadaig kay Yaya Dub, nanood din ng Lighthouse 

  Buwis-buhay ang performance ng Eat Bulaga Dabarkads ngayong araw. Ipinakita kahapon ang gagawin nina Ruby Rodriguez, Paolo Ballesteros, at Ryzza Mae Dizon habang ang pagda-drums naman ang pambato ni Yaya Dub (Maine Mendoza).

Kaloka ‘yung air dance ni Paolo na pasirku-sirko sa ere habang nakasuot pambabae, huh! Eh, si Ryzza Mae, talagang panlaban din ang kanyang production number kasama ang dancers kung saan naka-doble kara pa ang hitsura niya.

Hindi nga lang masasaksihan ni Alden Richards ang pambato naman ni Yaya Dub dahil kahapon ang lipad niya patungong Japan para sa isang GMA Pinoy TV show. Post nga ni direk Louie Ignacio sa Facebook niya sa picture kasama sina AiAi delas Alas at Alden, “Nagkagulo sa PAL!” nang dumating ang Pambansang Bae.

Panay ang paalala sa Twitter ni Alden na suportahan si Maine sa gagawin niya.

Siya nga pala, hindi lang si Yaya Dub ang spotted na nanood ng concert ng Lighthouse. Present din pala sa concert si Pastillas Girl.

Ang dinig namin, sa Cebu nga­yon ang telecast ng It’s Showtime.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

DENNIS TRILLO

FELIX MANALO

LEFT

PASTILLAS GIRL

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with