^

Pang Movies

Pagpanaw ni Elizabeth Ramsey, katapusan na rin ng isang era sa showbiz

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Ang kamatayan ng singer at komedyanteng si Elizabeth Ramsey ay parang simula na rin ng katapusan ng isang era. Isa siya sa mga iilan na lang na natitirang artista ng kanyang panahon. Si Aling Beth ay hindi lamang isang artista, isa siyang icon. Siya ang nanatiling isang showbiz icon sa pagdaan ng mahabang panahon. Isa siya sa mga naka-crossover mula sa panahon ng mga vaudeville, stage shows, hanggang sa pelikula, at telebisyon. Isa rin siya sa mga kauna-unahang Pilipinong kinilala bilang isang international performer. Madalas noon na kinukuha siya sa mga American bases kung saan nagbibigay siya ng kasiyahan sa pamamagitan ng kanyang pagkanta at pagpapatawa. Doon siya tinawag na “female version ng Amerikanong si Bob Hope”.

Bata pa kami ay napapanood na namin si Aling Beth, at talagang mapapatawa ka niya. Natatandaan din namin, ipinagmamalaki niya at talagang ginagawa naman niya iyon. Siya lang ang nakapagsasa­bing naging girlfriend siya ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos noon, kahit na kaharap pa mismo ang presidente at ang da­ting unang ginang na si Imelda Marcos. Hindi naman iyon kawalan ng paggalang. Talagang nagpapatawa lang siya at iyon ay laging sinasalubong ng malakas na tawanan.

Favorite si Aling Beth, maski na sa mga pagtitipon ng mga fo­reign diplomat, na humahanga sa kanyang kakayahan sa pagkanta. Huwag namang magagalit si Jaya, pero mas magaling sa kanya ang nanay niya maski na sa pagkanta.

Maski na sa personal, mukhang normal na biro na ni Aling Beth ang kuwento sa mga personalities na naging “boyfriends” niya o nanligaw sa kanya. Pero alam naman ng lahat na biro lang iyon at walang sumeseryoso. Lahat nagtatawanan talaga.

Noong araw, paborito rin namin si Aling Beth na madalas ma­ging guest sa celebrity night noon sa National Press Club. Iyon ay noong masigla pa at matindi ang celebrity night na ginagawa sa National Press Club tuwing Biyernes ng gabi.

Wala na si Aling Beth. Yumao siya habang natutulog sa edad na 83. Una naming nabalitaan na na-stroke siya. Tapos hindi naman daw pala stroke, tumaas lang ang blood pressure. Pero ngayon ay wala na nga siya at nararamdaman namin ang unti-unting paglipas ng isang era sa show business.

Mga pelikula ni Direk Carlo J. Caparas kailangan ng industriya

Nakasalubong namin si director Carlo J. Caparas noong isang gabi sa Star City at naibalita niya sa amin na malapit na palang matapos ang isang pelikulang kanyang ginagawa. Batay iyon sa isang orihinal na kuwentong isinulat niya sa komiks at naisalin na rin sa pelikula ni Lino Brocka noong araw. Naisip niyang gawin ngayon ang sarili niyang version ng pelikula, na ang bida ay si Andi Eigenmann.

Mukhang excited talaga ang magaling na director sa kanyang project, at ipinakita pa sa amin ang kanyang short trailer na nasa kanyang cellphone. Hindi natin maikakaila na si director Carlo Caparas ay napakagaling ding gumawa ng mga pelikulang nagiging box-office hits. Baka nga kailangan na siyang maging aktibong muli sa industriya. After all, kumikita na naman ang mga pelikula. Kailangan lang talaga na may gumawa ng isang pelikulang magugus­tuhan ng masa.

Isang magandang pelikula lang na ki­ki­ta dahil sa suporta ng publiko ang kailangan para sumiglang muli ang indus­triya ng pelikula. Nagawa na iyan ni direk Carlo noong araw. May umiiral na slump nang gawin niya at maging isang malaking hit ang pelikula noon ni Dawn Zulueta, at pagkatapos ay sumigla ang industriya. Kinilala ring pinakamalaking box-office star noon si Dawn. Tandaan din ninyo, ang mga hit movies ni Kris Aquino noon, gawa lahat ni direk Carlo.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ALING BETH

ANG

ISA

ISANG

LEFT

MGA

QUOT

SIYA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with