^

Pang Movies

Ultimo fish ball vendor hindi pinalampas Female starlet baon sa utang sa mga kapitbahay

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

May pangit na reputasyon ang female starlet na ito sa kanilang lugar dahil sa rami ng mga utang nito sa kanilang kapitbahay.

Hindi makapaniwala ang mga kapitbahay ng female starlet kung bakit parating kapos sa pera ito, eh nakikita naman nilang laging umaalis at tila marami itong nilalakad.

Kapag tinatanong nila ito kung saan pupunta, sinasabi nito na may taping or shooting siya ng commercial. Pero halos lahat nga raw ng mga tao roon ay inutangan na niya.

“Ultimo pala ang kakainin ni female starlet at ng pamilya niya ay pinang-uutang pa niya,” sey ng source namin na dating nagtrabaho sa female starlet.

“Lahat nga ng mga sari-sari stores doon ay may lista sila ng utang. Ultimo nga ang nagbebenta ng fish ball, kikiam at siomai sa may kanto ay may utang din ang female starlet.

“Ang masama pa nito ay tuwing sisingilin sila ay parating sinasabing wala siya or hindi pa siya nakakasingil sa mga producers. Kapag meron na ay babayaran niya raw lahat ng utang niya.

“Pero dalawang tindahan na nga ang nagsara roon sa lugar nila at ni singkong duling nga raw ay hindi nagbayad ang female starlet. Pinasa-Diyos na lang ng mga ito ang pagiging balasubas ng female starlet.”

Minsan naman daw ay sinugod na si female starlet ng ilang mga kapitbahay dahil sa utang nitong alahas, damit, sapatos, bags at groceries. Hindi raw lumabas ang female starlet at ang humarap ay ang alalay nito.

Ang ginawa ng alalay ay naglabas ng mga ilang gamit ng female starlet at sinabi na iyon na lang daw ang kunin nila dahil wala naman daw na iniwan na pera ito.

At saka bilin daw iyon ng amo niya na kapag may naningil, ilabas ang mga gamit na napili na niya para pambayad.

“Nilabas ng alalay ay ilang mga gamit sa bahay, kusina at ilang damit, sapatos at accessories na hindi pa nagagamit ng female starlet.

“Walang choice ang mga kapitbahay kundi kunin na ang mga iyon. May kumuha ng TV, DVD player, electric fan, blower, plantsa at pati folding chair.

“Sa totoo lang, nakakahiya ang situwasyon ng female starlet. Hindi niya maharap ang mga taong inutangan niya at kinailangan pang isubasta niya ang mga gamit niya.

“Sana maayos na niya dahil hindi siya puwedeng magtago forever at mauubusan din siya ng gamit sa bahay dahil sa mga utang niya!” pagtatapos pa ng source namin.

Hindi na makapamili ng gustong pagkain Yaya Dub hindi na makapag-grocery, absent na rin sa mga lakad ng pamilya dahil sa kasikatan

Naapektuhan na nga ang lifestyle ni Maine Mendoza aka Yaya Dub ng kanyang pagiging sikat.

Dahil sa kalyeserye at sa pakikipagtambalan niya kay Alden Richards, ang kanyang tahimik na mundo ay biglang nabulabog at ang mga nakasanayan na niyang gawin ay hindi na niya puwedeng gawin.

Bago siya maging hit sa kalyeserye, nakakapunta pa raw sa mga mall at nakakapanood ito ng sine at concert kasama ang kanyang mga barkada. Madali rin daw itong yayain kapag out-of-town ang lakad dahil paborito ni Yaya Dub ang beach.

Ngayon ay dahil bukod sa kalyeserye ay may mga TV commercials pa siya, hindi na siya nakakasama sa lakad ng kanyang pamilya. Kapag may lakad naman siya, kailangan na niya ng bodyguards.

Kuwento nga ng isang family member ay gustung-gusto raw ni Yaya Dub na sumama kapag naggo-grocery ang pamilya. Marami kasi itong gustong bilhin na pagkain.

Pero pinagkakaguluhan na raw siya sa grocery store ng maraming tao kaya hindi na ito nakakasama pa.

Nitong nakaraang concert ng Lifehouse sa Mall of Asia Arena, kinailangan pa ni Maine na maglagay ng dark make-up at magsuot ng salamin para hindi lang siya makilala ng mga tao.

Para mas safe at hindi siya ma-mob ng mga tao roon, may mga kasama siyang bodyguards.

Nag-tweet at nag-post pa siya sa Instagram ng kanyang masayang experience at gamit niya ang hashtag na #corazon.

Si Corazon ay ang Jamaican na katulong sa Mexican telenovela na Ma­riMar.

Lance Bass ng N’Sync biktima NG pangha-harass

Nag-open up na ang former N’Sync member na si Lance Bass na naging biktima siya ng sexual harassment sa edad na 16.

Sa kanyang interview sa Meredith Vieira Show, ni-reveal ni Lance ang kanyang matagal nang itinatagong sikreto noong teenager pa lang siya.

“It happens to men too. It’s a two-way street.

“It had happened to me when I was 16 or 17 years old. When we started, there was someone that we worked with that was inappropriately touching us.

“I wasn’t even aware then, at 16, that this guy was a pedophile and he was touching me.

“Oddly, I didn’t feel victimized at the time because I was very aware of it but it happened to us too.”

Naging tahimik lang daw si Lance noong mga panahon na iyon at wala siyang pinagsabihan sa kanyang kagrupo.

“No. I mean with the guys we would talk about it. We would kind of joke about it, but it’s not a joking thing.

“But as a kid, it was just odd. I am glad that we were aware of it and we didn’t feel victimized at the time.”

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

HINDI

LEFT

MGA

NIYA

QUOT

SIYA

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with