^

Pang Movies

Ano kayang mararamdaman? Pia invited sa kasalang Vic-Pauleen!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dahil malapit nang ikasal sina Pauleen Luna at Vic Sotto, marami ang nagtatanong kung invited ba sa simbahan at wedding reception ang ex ni bossing.

Malalaman natin ang sagot sa actual day ng pag-iisang dibdib ng dalawa kapag na-sight natin ang presence ni Pia Guanio.

Nang magkausap kami ni Pauleen sa taping ng CelebriTV noong Huwebes, nabanggit niya na invited ang lahat ng Dabarkads ng Eat Bulaga sa kasal nila ni Bossing. I therefore conclude na invited si Pia dahil bahagi siya ng Eat Bulaga Dabarkads.

Iba pang detalye sa kasal may tamang panahon ng pagri-reveal

Hindi puwedeng mawala sa kasal nina Bossing at Pauleen sina Tito Sen (Tito Sotto) at Papa Joey de Leon, pati na sina Wally Bayola, Jose Manalo, at Paolo Ballesteros.

I’m sure, may special participation sila sa much anticipated wedding of the year.

Knows ko na ang ibang mga impormasyon tungkol sa magaganap na kasalan dahil nag-usap nga kami ni Pauleen pero in confidence ang lahat.

Hindi naman inililihim nina Bossing at Pauleen ang mga detalye ng kanilang wedding day pero tulad ng palaging sinasabi ni Lola Nidora, may tamang panahon para sa grand reveal!

Yaya Dub madaling nakilala

Mala-Corazon ang make-up ni Maine Mendoza nang manood siya ng isang concert sa Mall of Asia Arena noong Huwebes.

The who si Corazon? Siya ang yaya ni Sergio Santibañez sa MariMar kaya yaya pa rin ang peg ni Yaya Dub nang rumampa ito sa MOA Arena.

Hindi nagtagumpay si Maine sa disguise nito dahil nakilala pa rin siya ng mga reporter na nag-cover ng event. Ini­sip naman ng ibang mga nanood na baka kalokalike lang ni Yaya Dub ang maitim na girl na nakita nila.

Nakakaramdam na ng pagod Jake malapit nang bumili ng bahay malapit sa GMA 

Parang type na ni Jake Vargas na sundin ang mga payo sa kanya ng concerned citizens na maghanap o magrenta ng half way house sa Quezon City dahil hanggang ngayon, umuuwi pa rin siya sa family house nila sa Subic.

Tatlo ang regular show ni Jake sa GMA 7, ang Buena Familia, Pepito Manaloto, at Walang Tulugan With The Master Showman.

Madalas na inaabot ng madaling araw ang taping ni Jake para sa Buena Familia pero kahit pagod at puyat, may-I-go home pa rin siya sa Subic.

Nakakaramdam na ng pagod si Jake dahil sa kanyang hectic schedule kaya iniisip na niya na maghanap na halfway house na malapit sa GMA 7.

Aktres dedma na sa dating assistant na yumaman

Matagal na nanilbihan sa isang aktres ang kanyang former assistant na super rich na ngayon.

Kilalang-kilala ng assistant ang pagkatao at ugali ng dating amo na walang nagtatagal na relasyon at kaibigan dahil mabilis magsawa.

Therefore, hindi na nagtaka ang assistant nang dedmahin ng aktres ang kanyang mga text message ng pangu­ngumusta.

Na-feel agad ng assistant na hindi na interesado ang aktres na makipag-communicate sa kanya.

Hindi problema sa assistant kung initsapwera ito ng aktres dahil richie ritchie na siya at kayang-kaya na niya na makipagsabayan sa bonggang lifestyle ng dating employer.

vuukle comment

ACIRC

ALIGN

ANG

BUENA FAMILIA

DAHIL

EAT BULAGA

LEFT

PAULEEN

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with