^

Pang Movies

AiAi mas matagal pa sa eroplano kesa nang mag-show sa Canada

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nag-taping kami kahapon para sa CelebriTV dahil aalis ngayon si AiAi delas Alas para sa show nila ni Alden Richards sa Japan.

Umaga ang flight ni AiAi at sa Lunes na ang balik niya sa Pilipinas.

Mauunang umalis si AiAi kesa kay Alden dahil manggagaling pa ito sa Zamboanga City.

Nag-advance taping din kami para sa CelebriTV noong nakaraang linggo dahil may show naman si AiAi sa Canada. Tatlong araw lang si AiAi sa Canada para sa show nila ni Paulo Avelino. Mas matagal pa ang pagbibiyahe ni AiAi sa eroplano kesa pana­natili niya sa Canada. Hindi pa siya nakaka-recover sa jetlag, may-I-return agad si AiAi sa Maynila.

Pakikiramay para sa pamilya ni Mama Elizabeth

Nakikiramay ako sa mga naulila ng ve­te­ran comedienne/singer na si Elizabeth Ramsey na sumakabilang-buhay kahapon habang natutulog siya.

Kung hindi ako nagkakamali, sa isang talent show ng ABS-CBN ang huling guesting ng loving mother ni Jaya.

Si Mama Elizabeth ang binansagan na Queen of Rock & Roll sa Pilipinas. Bago pa nagkaroon ng Tina Turner ang Amerika, may Elizabeth Ramsey na ang Pilipinas.   

Kris pinairal ang pagiging businesswoman kaya nag-back out sa pelikula nila ni Mayor Herbert

Hindi shocking ang desisyon ni Kris Aquino na huwag nang ituloy ang filmfest  movie nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Alalahanin natin na hindi lamang TV host at artista si Kris, businesswoman din siya. Para magpasya siya na mag-back out sa 2015 Metro Manila Film Festival, siguradong may mas malalim na dahilan.

Posibleng may nagpayo sa kanya na huwag nang ituloy ang pelikula nila ni Herbert dahil malakas na malakas ngayon ang AlDub na kasama nina AiAi at Vic Sotto sa pelikula na official entry din sa MMFF.

Maraming loveteam ang ABS-CBN na puwedeng idagdag sa  pelikula nina Kris at Herbert pero hindi sila kasinglakas ngayon ng loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub.

Felix Manalo parang bagyong nanalanta

Parang bagyo na nananalanta sa box office ang Felix Manalo ng Viva Films nang magbukas ito sa 350-theaters noong Miyerkules.

Imagine, sa sampung sinehan sa isang mall, palabas sa pitong cinema ang Felix Manalo kaya naiwasan ang pagsisiksikan ng manonood.

Kung isinali pala ng Viva Films sa 2015 MMFF ang Felix Manalo, sure nang ito ang number one at kakain ng alikabok ang ibang mga official entry. Malaki rin ang tsansa na umani ng parangal ang big budgeted movie ng Viva Films.

One hundred fifty million (P150 million) ang budget ng Viva Films sa filmbio ni Ka Felix. Sa lakas ng pelikula, nabawi na ng Viva Films ang kanilang puhunan. Magpatawag kaya si Boss Vic del Rosario ng victory party?

Sigurado nang extended sa mga sinehan sa susunod na linggo ang Felix Manalo dahil sa lakas nito. Tiyak na magpapang-abot ang Felix Manalo at ang The PreNup, ang romantic comedy movie ng Regal Films na showing sa mga sinehan sa October 14.

Hindi ako magugulat kung maging another Heneral Luna ang Felix Manalo. Patuloy na pinapanood ang Heneral Luna sa 5th week nito sa mga sinehan, itsurang ibinebenta na sa kalye ang pirated copies ng pelikula na pinagbibidahan ni John Arcilla.

      

 

vuukle comment

ACIRC

AIAI

ALDEN RICHARDS

ALIGN

ANG

FELIX MANALO

LEFT

NBSP

QUOT

STRONG

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with