^

Pang Movies

Samantalang si Alex inilihim noon... Kean ipinagsigawan ng wagas ang pag-ibig kay Chynna

YSTAR - Baby E - Pang-masa

Wow, Salve A., ang haba ng buhok ni Chynna Ortaleza. Common knowledge na paulit-ulit na binanggit ng band singer and now one of the celebrities na tampok sa trending and high rating series na The Face Sounds Familiar, si Kean Cipriano. Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa Tonight with Boy Abunda, ilang beses niyang sinabi  kung gaano niya kamahal si Chynna and it is his desire to end up with her. Yes, in a few years.

Hindi yata naming narinig ang public declaration na ito ng love ni Kean sa dating nali-link sa kanya, na isang Kapamilya talent na rin ngayon (tulad ni Kean), noong supposedly sila pa, si Alex Gonzaga.

She has never been linked to anyone since. Although, lately, balitang may finally “kinakikiligan” siya sa ilang manliligaw.

Karla ginawang ‘aral’ ang pagkakaroon ng mga anak sa apat na lalaki

Although we appreciate na mapanood muli as host ng Pinoy Big Brother (PBB) 737 ang ngayo’y buntis na buntis nang si Bianca Gonzales-Intal, name-miss din namin si Toni Gonzaga.

Kelan kaya ang balik ni Toni? Sana within the week, nang magkita naman sila ni Queen Mother na si Karla Estrada.

Maraming sini-share na pangaral si Karla sa mga housemate na babae, na kasalukuyang “nakakulong” ngayon sa bahay ni Kuya. Ilan dito ay ang experiences niya, which she said, kahit sa kanyang mga anak ay hindi niya inililihim.

Apat daw lahat ang anak ni Karla, two boys and two girls. Sina Daniel, yes the actor, JC, Magui at Carmela.

Magkaka-iba daw ang ama ng mga bata. But she was able to bring all of them up na ang turingan sa isa’t isa ay tunay na magkakapatid.

Ganunpaman, pangaral daw niya sa kanyang mga anak, and, of course, sa mga PBB housemates na rin, huwag nila siyang tularan. Bagama’t dahil ginusto raw niya ito, wala siyang pinagsisisihan.

Box-office success ng Felix Manalo, ‘di na kataka-taka!

It was expected, kung sabagay ang box office success ng Felix Manalo, now showing sa more than 300 theaters nationwide.

Obvious na walang nagulat sa mga nanood ng premiere sa libu-libong dumalo sa Philippine Arena in Bulacan noong Linggo. What mattered was that they were all accommodated.

Well, the alleged number of audience na present sa Philippine Arena ay 43,654. Thus, it merited its producer, Viva Films, two plaques of certification from no less than the Guinness World Records.

Kabilang sa mga artistang dumalo sa premiere ay pinangunahan ni Dennis Trillo na bida sa pelikula and Bella Padilla, who played Felix Manalo’s wife,  director  Joel Lamangan and several Iglesia ni Cristo (INC) representatives, led by the religious spokesperson, Edwil Zabala. Andun din sina Gabby Concepcion, Jaclyn Jose, Gladys Reyes, Andrea del Rosario at Ruru Madrid, among others.

Helen Gamboa kilalang-kilala ang ginampanang kabit

Somehow, Salve A., may idea ang karamihan sa mga nakapanood na ng Etiquette for Mistresses, kung sino ang character na ginampanan ni Helen Gamboa, na seconds din lang ang itinagal ng mga eksena.

Bilang isang kilalang society figure, hindi ipinagkaila ng nabanggit na mistress (na ginampanan ni Helen) kung sino siya sa buhay ng isang high profile na politician.

Lalong hindi niya inililihim ang pagkakaroon niya ng anak sa politician. Na obviously ay alam ng asawa nito, na dahil dignified and proper, chose to, wika nga, act accordingly. Kahit pa, kung minsan, nagtatagpo ang kanilang landas ng “kabit” ng kanyang asawa.

Wonder kung ilan kayang kabit ang nanood ng Etiquette for Mistresses

Etiquette for Mistresses, which is a certified blockbuster, stars Claudine Barretto, Kim Chiu, Iza Calzado, Cheena Crab at Kris Aquino. Producer is Star Cinema.

vuukle comment

ACIRC

ALEX GONZAGA

ANG

BELLA PADILLA

BOY ABUNDA

FELIX MANALO

HELEN GAMBOA

KARLA

MGA

PHILIPPINE ARENA

SALVE A

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with