^

Pang Movies

Hindi rin daw nagtanim ng galit, Piolo tinanggap ang ‘pagsisisi’ ni Sharon!

Pang-masa

MANILA, Philippines –  Sinagot ni Piolo Pascual ang mga sinabi ni Megastar Sharon Cuneta na nagsisisi siya sa mga sinabi niya noon sa social media nang mag-split ang actor at anak na si KC Concepcion.

Ayon kay Piolo, hindi naman siya nagtatanim ng galit at ayaw ng kaaway.

“Hindi ako nagtatanim ng galit sa tao. I think isa sa magandang regalo sa akin ng Diyos ‘yon, hindi ako mapagtanim na tao, so madali akong makapagpatawad. Kasi for me, may reasons ang mga tao bakit nila nagagawa ‘yung mga bagay na ‘yon. so bahala na lang sila. But for me, as far as I am concerned, I don’t hold grudges against anyone at hindi ko pinapatagal ang mga issues,” sabi niya kahapon sa presscon ng SunPIOLOGYRun.

“Saka at the end of the day, tao tayong lahat -- nakakasakit, nasasaktan, nagpapatawad, nagmo-move on. ‘Yun lang naman. Para walang problema, mas maganda na i-promote natin ‘yung ganoon.

“Ayaw din natin ng kaaway. But if there’s anything that we have to settle with each other, maganda na ‘yung makapag-usap kami. Pero, of course, I’m thankful. If there’s anything that I did to offend her and their family, I’m also sorry for it,” dagdag ni Piolo sa interview after the presscon tungkol sa ex.

Maalalang nagkaayos sila ni KC nang magkasama sila sa ASAP Live in  London kamakailan at ngayon anytime, willing siyang makatrabaho ito.

“Sino ba naman ang ayaw noon? Napakaliit ng industriya natin, napakaliit ng showbiz para magkaroon tayo ng kaaway na iniiwasan. ‘Yun ang iniiwasan ko sa lahat, ayaw kong pumapasok sa trabaho with a heavy heart, so I always make sure that I’m at peace with everyone sa industriyang ito.

“Because hindi natin maiiwasan na makasagasa din, makaapak ng tao. I always make sure na kung sinuman ang mga ‘yon ay ipinagdarasal ko, humihingi ako ng tawad kasi hindi tayo perpekto. It’s a thorn off my chest kapag nagkakaayos kayo, nagkakabati, nagkakapatawaran,” sabi niya pa. (SVA)

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYAW

AYON

CONCEPCION

DIYOS

HINDI

MEGASTAR SHARON CUNETA

PIOLO

PIOLO PASCUAL

YUN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with