^

Pang Movies

Bong mapapaayos na ang mga ngipin

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Nagpapasalamat si Senator Bong Revilla, Jr. sa Sandiganbayan dahil pumayag ito na lumabas siya mula sa PNP Custodial Center, Camp Crame para sa kanyang dental procedures.

 “For humanitarian consideration” ang ibinigay na dahilan ni  Sandiganbayan First Division chairman Associate Justice Efren Dela Cruz kaya pinayagan nila si Bong sa dental appointment nito sa October 10, 12, 15, 17 at 19  sa Gan Advanced Osseointegration Center (GAOC), Greenbelt, Makati City.

 “Impression, trial and coping of ceramic dental crown, adjustments and cementation” ang ilan sa mga dental procedure kay Bong.

Limang araw ang kailangan para sa permanent solution at full zirconia crown kay Bong na inaprubahan ng Sandiganbayan First Division.

‘Naka-move forward na ako kay Gabby’

May mga nagtatanong sa akin tungkol sa reaksyon ko dahil may bagong manager si Gabby Concepcion.

Ano ang magiging reaksyon ko? Eh ‘di wala! Dyuskoday, mahigit sa dalawang dekada na ang nakalilipas mula nang bitawan ko ang pamamahala sa career ni Gabby kaya dedma na ako ‘no!

Kung hindi pa nakakapag-move on ang mga nagtatanong, matagal na akong nag-move forward ‘no!

Alden deserve na deserve mangarag!

Lumipad kahapon si Alden Richards sa Naga City para sa isang show at sa weekend, pupunta naman siya sa Japan para sa Kapuso Fans Day ng GMA Pinoy TV.

Wala na talagang pahinga si Alden kaya may reason para mag-alala si Yaya Dub.

Kaliwa’t kanan ang commitments ni Alden na parang hindi napapagod dahil wala sa kanyang itsura na kailangan niya ng pahinga.

Sinasamantala ni Alden ang pagkakataon dahil hinintay niya nang matagal ang stardom. Kung anuman ang mga nangyayari ngayon sa career ni Alden, well-deserved niya dahil masipag siya at mabuting bata.

Totoo ang madalas sabihin nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon na napakadisenteng tao ni Alden.

Rufa Mae ipinapagpalit ng boyfriend na si Bullet sa mestisahing babae

Maganda at mestiza na babae ang constant companion ni Bullet Jalosjos, ang mhin na ex-dyowa nina Nancy Castiglioni at Katrina Halili.

Asking ang mga intrigera kung hiwalay na ba sina Bullet at Rufa Mae Quinto dahil ibang girl na ang madalas na kasama niya.

Parang kailan lang kasi nang sabihin ni Rufa Mae na boyfriend niya si Jalosjos kaya may mga nagtanong kung nag-babu na sila sa isa’t-isa.

Hintayin natin ang pralala o sagot ni Rufa Mae sa social media bilang hobby na niya ang mag-post ng mga intriguing message.

Opening day ng Felix Manalo, ngayon na

Hindi ko na kailangang i-remind na ngayon ang opening day sa mga movie theater ng Felix Manalo ng Viva Films.

All over ang news tungkol sa Felix Manalo as in ito ang nababasa sa mga entertainment section ng halos lahat ng mga diyaryo.

Ewan ko lang kung matutuloy ang plano ng Viva Films na magkaroon ng free thanksgiving show para sa lahat ng mga tumangkilik sa Felix Manalo.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN

ALDEN RICHARDS

ANG

FELIX MANALO

MGA

NBSP

RUFA MAE

SANDIGANBAYAN FIRST DIVISION

STRONG

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with