^

Pang Movies

Barbie ninenerbiyos kay Eddie

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

“I love my job!” ang caption sa post ni Barbie Forteza sa kanyang Instagram account na kasama niya ang award-winning veteran actor na si Eddie Garcia. Hindi raw niya in-expect na makakasama niya ang isa sa hinahangaan niya at itinuturing nang isang icon ng movie industry. Siyempre raw ay may nerbyos din sa kanya ang una nilang pagsasama sa top-rating afternoon prime ng GMA 7.

Simula kasi ngayong hapon, pasok na ang cha­racter ni Eddie bilang ama ni Magnolia (Cherie Gil) kaya expected nang magiging kalaban siya nina Rina (Jean Garcia) at Diana (Barbie) dahil kalaban ng mag-ina si Magnolia.

Sa muling pagbabalik ni Eddie sa GMA after ng ilang buwan ding nawala siya sa network, hindi lamang ang guest role niya sa The Half Sisters ang kanyang aatupagin, kasama rin siya sa bagong primetime soap na Little Mommy na makakasama rin niya sina Ms. Nora Aunor, Sunshine Dizon, Mark Herras, Juancho Trivino, Hiro Peralta, at si Kris Bernal sa title role, under the direction of Ricky Davao.

Alden walang pinalalampas na trabaho

Si Alden Richards yata ang taong hindi marunong tumanggi sa trabaho. Pansin na pansin kahapon sa Sunday PinaSaya na halos lahat ng segment ng two-hour show ay naroon siya. Opening spiels pa lamang magkasama na sila ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Ewan kung bakit wala ang Comedy Queen AiAi delas Alas, pero naroon naman sina Jose Manalo, Wally Bayola, Jerald Napoles, Barbie Forteza, at Julie Anne San Jose, Valeen Montenegro, with special guest Gloc-9 to promote his coming concert.

Gabby natuloy na sa GMA

Muling napanood si Gabby Concepcion sa GMA 7, after ilang taon na hindi siya natuloy noon sa network. Nag-promote siya ng Felix Manalo movie kung saan gumanap siya bilang si Ka Erdy Manalo.

Mapapanood na simula sa Wednesday ang movie na binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) in more than 300 theaters nationwide.

Final 14 ng Starstruck, pahihirapan na

Magsisimula na muli ang iba’t ibang cha­llenges sa Starstruck VI simula ngayong Monday, October 5, bago ang 24-Oras sa GMA 7 matapos mai-announce na ang Ultimate Final 14, ng mga hosts na sina Dingdong Dantes at Megan Young. Pero bago iyon, nai-announce na ang four finalists na na-fast track na ng mga Council of Judges na sina Joey de Leon, Regine Velasquez-Alcasid, Jennylyn Mercado, at Dingdong.

Ang mga unang napiling pumasok agad sa Ultimate Final 14 ay sina Migo Adecer, 15, from Mandaluyong City; Klea Pineda, 16, from Caloocan City; Ayra Mariano, 17, from Bulacan, at si Avery Paraiso, 20, from Antipolo City.

Ang mga huling ipinaalam na pasok sa final 14 ay sina Analyn Barro, 18 from Bacolod; Kevin Sagra from South Cotabato; Princess Guevarra, 16, from Cavite; Arra San Agustin, 20 from Cavite; Joemarie Nielsen, 20 from Tarlac; James Teng, 17 from Bulacan; Elyson de Dios, 16 from Cebu; Jay Arcilla, 19 from Laguna; Koreen Medina, 20 from Laguna; Liezel Lopez, 17 from Olongapo.

Siyempre pa ay napuno ng iyakan ang pagpapaalam ng apat na natangal sa Top 18.

Expected ang celebrities na tututok sa kanila sa bawat challenges na ipagagawa sa kanila, sa singing, dancing, at acting.

This Monday, itutuloy ang mga kilig moments ng seven pairs sa acting genre. Sa Friday, October 9, mayroon na kayang unang magpapaalam sa Ultimate Final 14?

vuukle comment

ACIRC

ANALYN BARRO

ANG

ANTIPOLO CITY

ARRA SAN AGUSTIN

AVERY PARAISO

AYRA MARIANO

BARBIE FORTEZA

BULACAN

CALOOCAN CITY

ULTIMATE FINAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with