^

Pang Movies

Palaban ang exposure, Bela hindi nagpatalbog sa akting ni Dennis

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang suwerte-suwerte ni Bela Padilla dahil malaki at challenging ang role niya sa Felix Manalo bilang Ka Honorata, ang asawa ni Ka Felix.

Mula umpisa hanggang ending ng pelikula ang exposure ni Bela sa biggest movie break niya.

Pasado sa panlasa ng movie critics ang performance ni Bela dahil hindi siya nagpatalbog sa husay ni Dennis.

Pabor kay Bela na araw ng Linggo ang premiere kahapon ng Felix Manalo dahil wala itong conflict sa ibang mga showbiz commitment niya.

Felix Manalo dinagsa kahit may bad weather

Masungit ang weather kahapon pero hindi ito naging hadlang sa successful premiere ng Felix Manalo sa Philippine Arena.

Dinagsa ng mga tao ang malakas na buhos ng ulan para masaksihan nila ang pinakabongga na premiere ng taon.

As expected, napuno ng maraming tao ang napakalawak na lugar ng Philippine Arena at namangha sila sa giant silver screen na itinayo ng Viva Films, ang produ ng Felix Manalo.

Ibang mga produ, afraid tapatan ang movie ng INC

Naglabas ng advisory ang SM Cinema management na on­going pa rin ang advance ticket selling para sa opening day ng Felix Ma­nalo

Nagsimula noong nakaraang Lunes ang advance ticket selling at marami na ang nag-avail ng tickets para makaiwas sila sa mahabang linya ng pila.

Mapapanood ang Felix Ma­nalo sa 300 theaters nationwide at afraid ang ibang mga movie producer na tapatan ang pelikula ng Viva Films.

Organized na organized ang engrandeng premiere ng Felix Manalo at malaking tulong ang mga security personnel na nag-guide sa mga motorista sa NLEX.

May mga hawak na Iglesia Ni Cristo mini flags ang security personnel na nagtuturo sa mga motorista sa lane na dapat na daanan papunta sa Philip­pine Arena.

Naiwasan ang trapik sa kahabaan ng NLEX dahil sa competent security personnel na nag-assist sa mga dumalo sa premiere ng Felix Manalo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BELA PADILLA

FELIX

FELIX MA

FELIX MANALO

IGLESIA NI CRISTO

KA FELIX

MGA

PHILIPPINE ARENA

VIVA FILMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with