^

Pang Movies

‘Di pa pala nagsasama kahit kasal na Heart malapit nang ‘ibahay’ si Sen. Chiz!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Matatapos na pala ang ipinagagawang bahay ni Heart Evangelista sa Quezon City na magiging love nest nilang mag-anak.

Ayon kay Heart, Mediterranean ang concept ng kanyang bahay sa labas at French country look naman sa loob upang ma-enjoy ng kambal na anak ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero.

Mag-iisang taon na pala silang kasal pero hindi pa nagsasama sa iisang bahay kasi hindi raw sila kasya sa townhouse ng senador na matatagpuan sa isang subdivision sa Quezon City.

Say ni Sen. Chiz, ‘weird’ nga raw ang setup nila ng kanyang misis. Palipat-lipat daw ang senador sa bahay kung saan nakatira ang kanyang kambal na anak, at sa bahay na inuupahan naman ng kanyang misis.

Tuwing gabi raw pagkatapos niyang mapatulog sa kambal na anak, lilipat naman siya sa bahay ng misis na si Heart na hindi kalayuan sa kanyang tirahan.

Kinaunagahan, gigising naman daw siya para maghatid sa eskwelahan ng anak na sina Quino at Chesi.

“Medyo mahirap lang kasi wala naman kaming iisang bahay,” sabi ng senador tungkol sa sistema nila ng asawa at kambal na anak.

Hindi raw kasi kasya ang mga gamit niya sa nirerentahang bahay ni Heart at lalong hindi kasya ang mga gamit ng aktres sa kanilang bahay.

“Medyo alanganin lang at magulo ‘yung setup namin ngayon,” kumpirma ng senador.

Mula noong naging congressman siya noong 1998, nakatira na si Chiz sa kaniyang townhouse na malapit sa St. Luke’s Medical Center sa Kyusi.

“At least, kapag natapos ‘yung ipinapagawang bahay ni Heart, pwede kong sabihing ‘ibinabahay’ ako ni Heart Evangelista,” nagbibirong sabi ng senador sa mga nag-interview.

Kaya pala inililihim si Dennis Jennylyn umaming mahal si Derek

Aminado si Jennylyn Mercado na may pressure rin on her part sa magiging feedback at outcome ng first movie nila ni Sam Milby na The Prenup showing on October 14. Ito kasi ang second romantic comedy film niya after the very successful English Only, Please with Derek Ramsay kung saan ay nanalo pa siya ng Best Actress award.

Minahal siya ng tao bilang Tere sa EOP at dito naman sa The Prenup ay gina­gampanan niya ang papel na Wendy.

“Siyempre, may pressure rin because baka nag-i-expect ang mga tao na hihigitan namin or papantayan ‘yung EOP. When asked kung ano ang kaibahan ng mga karakter niya sa The Prenup at EOP, aniya ay marami.

“Totally different po. Si Tere (karakter niya sa EOP), medyo makulit lang siya. Eto talaga, tumodo, eh. To the highest level ang pagkabakla niya (karakter niya sa The Prenup), parang kulang na lang maging bakla siya, ganu’n.”

Alin ang mas malapit sa totoong Jennylyn?

“Kasi may part si Tere na part ko rin, may part din naman si Wendy na part din ako. Hati. ‘Yung kay Wendy kasi, masayahin siya talaga, bubbly. Tapos masaya siya sa mga magulang niya. Tapos, takot siya magmahal.”

Takot din ba siyang magmahal?

“Opo, takot na,” natatawa niyang sagot.

When asked kung ano ang pagkakaiba nina Derek at Sam na pareho niyang naging leading man, aniya ay magkaibang-magkaiba.

“Si Derek, mahal ko ‘yan kasi ibang magmahal din ‘yung taong ‘yun, eh. Kapag alam niyang katrabaho ka niya, kaibigan ka niya. Mamahalin ka niya na parang kapatid, na parang part ng buhay niya, ganun. Kaya mahal ko siya dahil sa ganun niyang attitude.

“Si Sam naman, lagi siyang maingat, na lagi siyang maalaga sa akin kasi leading lady niya ako. Magkaibang magkaiba sila,” pagde-describe ni Jen kina Sam at Derek.

Ina ni Pastillas Girl nagpapakita na rin sa TV

Nagsalita na ang ina ni Pastillas Girl na si Tere­sa Hernandez laban sa online bashers ng kanyang anak. Lumabas siya sa It’s Showtime recently para ipagtanggol ang kanyang anak partikular na sa isyu ng pambubugaw.

“’Di lang nila alam kung gaano ko kamahal ‘yung anak ko. Hindi ko matatnggap ‘yung sabihin nilang binubugaw namin ‘yung anak ko,” saad ni Mommy Teresa.

Bagamat labis daw siyang nasasaktan, tinitibayan na lang ni Mommy Teresa ang kanyang loob para suportahan si Pastillas Girl.

Dagdag pa nito, suportado rin ng kanilang pamilya ang kanyang anak sa pag­hahanap nito ng kanyang Mr. Pastillas dahil ang tanging hangad lamang daw niya para rito ay lumigaya at makahanap ng lalaking mamahalin siya nang tunay.

vuukle comment

ACIRC

ANAK

ANG

BAHAY

DEREK

KANYANG

KASI

NIYA

PASTILLAS GIRL

PRENUP

SIYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with