^

Pang Movies

After 30 years, Menudo babalik ng ‘Pinas!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Wow! After thirty years, babalik sa Pilipinas ang original Latin Boyband na Menudo, sina Charlie, Ro­bert, Ray, Rene, at Miguel, para sa Menudo The Tour 2015: Live In Manila. Magaganap ito sa Smart Araneta Coliseum sa December 15, 2015. Ang very special guest nila ay si Asia’s Songbird, Regine Velasquez-Alcasid.

May early bird promo na ang show, pwede na kayong bumili ng tickets hanggang sa October 15, para magkaroon kayo ng chance sa meet and greet with the Menudo. Presen­ted ito ng LM Music Entertainment Agency at ng Araneta Center. For Ticketnet Online sale, mag-log on lamang sa www.ticketnet.com.ph.

Alam na hindi pa sila split ni Jennylyn? Sam nahihiya kay Dennis

Hindi na raw siya marunong manligaw, sabi ni Sam Milby sa presscon ng The Prenup ng Regal Entertainment, Inc. Six years na raw kasi siyang walang lovelife, at nakikipag-date na lamang siya after ng last affair niya, with Anne Curtis. Kaya hindi maalis na tanungin siya kung hindi ba ‘nagising’ ang puso niya nang makatambal ang napakaseksing si Jennylyn Mercado at hindi ba niya sinamantala na sila lamang ang magkasama sa New York nang mag-shooting sila roon for the movie.

Hindi naman nagkaila si Sam na lahat daw ng katangian ni Jennylyn ay gusto niya, pati ang pagiging sporty nito, pero nahihiya raw siya. Totoo kayang ang dahilan ni Sam ay ang hiya kay Dennis Trillo? Gusto raw nitong makasiguro na totoong wala nang relasyon ang mga bida ng My Faithful Husband tulad sa napapabalita.

Mapapanood na simula sa October 14 ang The Prenup kung saan gaganap si Jen na naghahanap sa kanyang biological father dahil pinalaki siya ng dalawang beki, sina Gardo Versoza at Dominic Ochoa. Nakasabay niya sa flight to New York si Sam, isang sikat na photographer. Tulad ng dapat asahan, na-in love sila sa isa’t isa pero pagbalik ng Manila, ayaw pumayag ng mayamang parents ni Sam, sina Jaclyn Jose at Freddie Webb na magpakasal sila. Dapat daw ay may prenuptial agreement ang dalawa.

Tito, Vic, at Joey ni-request na mangharana sa mga lola

Another big Sabado day na naman today sa kalyeserye ng Eat Bulaga. At sa pagdalaw ng tatlong lola, Nidora (Wally Bayola), Tidora (Paolo Ballesteros) at Tinidora (Jose Manalo), kasama si Yaya Dub (Maine Mendoza) para makilala raw nila nang personal ang mga Dabarkads na kasama ni Alden Ri­chards sa studio. Tuloy pa rin naman ang mga kondisyones ni Nidora na no touch, one foot apart sina Alden at Yaya Dub. Kahit ang request ni Alden ay kung pwedeng makabeso siya kay Yaya, hindi rin pinayagan ni Lola Nidora. Makagawa kaya muli sina Alden at Maine ng paraan para makabeso tulad noong nahawakan din nila ang kamay ng isa’t isa?

Nag-request din si Lola Nidora na kantahan silang mga lola nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon dahil nami-miss na raw nilang tatlo na maharana. 

Mamaya rin sa CelebriTV nina AiAi delas Alas, Lolit Solis, at Joey de Leon, may interview si Ricky Lo kay Maine. Fan sign lamang ang sagot ni Maine pero sasagutin naman niya ang mga tanong ni Ricky na hinihintay ninyo.

vuukle comment

ACIRC

ALDEN RI

ALIGN

ANG

ANNE CURTIS

LOLA NIDORA

NBSP

NEW YORK

QUOT

STRONG

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with