^

Pang Movies

KimXi pasok, Liza at Enrique tsinugi ni Kris sa MMFF movie

- Vinia Vivar - Pang-masa

May malaki na namang pagbabago sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Kris Aquino under Star Cinema. Nag-post siya sa Instagram last Thursday ng larawan nila nina direk Antoinette Jadaone na siyang magdidirihe ng movie.

She announced na makakasama na sa movie sina Kim Chiu and Xian Lim at ang anak niyang si Bimby. She also revealed na iba na naman ang title ng movie. From Pamilyang Love, Love, Love, ang bagong titulo na ay All You Need is Pag-ibig.

“Multitasking, #StageMother while listening to the presentation of the creative geniuses @krizgazmen, his creative assistant Jensen, and #HugotQueen #OTWOL director @tonet_jadaone. Tita @malousantos03 text me & said TRUST her instincts & decision making for MMFF- aangal pa ba ko? The very best in the industry all believe that their concept is a winner- time to just believe.

“Anyway ang pinaka LOVE kong si Bimb, and hold your breath #KimXi @chinitaprincess & @xianlimm are w/ us- okay na ko w/ anything & everything else they want! ABANGAN #AllYouNeedIsPagibig from the director of #That­ThingCalledTadhana,” post ni Kris.

Nakakapagtaka lang na hindi binanggit ni Kris sa kanyang post ang co-star niyang si Herbert Bautista. Hindi na kaya kasama ang Quezon City Mayor sa movie?

Last week lang ay kinumpirma ni Kris na si Bistek pa rin ang leading man niya sa movie pero mukhang nabago na naman this week.

Sa comments section ng post ni Kris ay maraming nag-react na fans nina Liza Soberano and Enrique Gil dahil nagulat silang hindi na pala LizQuen ang kasama sa movie kungdi KimXi na.

Of course, ikinalungkot ito ng LizQuen fans pero may mga nagsabi rin namang okay lang ‘yun dahil naka-dalawang pelikula na rin naman daw ang idolo nila for this year and at least ay makakapag­hinga ang dalawa sa Pasko.

Daniel at Kathryn magpapakilig sa Laguna

Makisaya at kiligin sa isang araw na puno ng pasasalamat kasama sina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, at ang buong cast ng Pangako Sa ‘Yo sa Panga­ko Sa ‘Yo: The Thanksgiving Day ngayong Linggo (Oct. 4) sa Alonte Sports Arena Carpark sa Biñan, Laguna.

Handog ng cast ang sari-saring performances at games kung saan maaari ring makisaya ang fans bilang pasasalamat sa mga masusugid na tagasubaybay ng top-rating primetime drama series. Bukod pa riyan, ilulunsad din ang Promise Wall sa pangu­nguna nina Daniel at Kathryn, at makakabili rin ng official merchandise ng programa sa venue.

Magbubukas ang venue sa ganap na 10 AM habang ang show naman ay magsisimula ng 1 PM.

Para makakuha ng libreng tickets, pumunta lang sa front lobby ng Biñan City Hall ngayong Sabado (Oct. 3), mula 1 hanggang 2 PM. Tanging ang unang 1,500 people lang ang papapasukin.

Premiere night ng Felix Manalo ipalalabas sa limang palapag na taas na screen

Binigyan ng “A” grade ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang epic filmbio na Felix Manalo ng Viva Films na magkakaroon ng higanteng premiere screening ngayong Linggo sa Philippine Arena, in Bocaue, Bulacan.

Monumental ang naturang pelikula na pinangungunahan ni Dennis Trillo dahil ang VIVA at ang kanilang partner cinemas ay gumawa ng isa pang unprecedented move para sa isang local film sa pamamagitan ng advance ticket selling na nagsimula noong September 28.

Pinamahalaan ng multi-award-winning director na si Joel Lamangan sa pangunguna ni Dennis bilang Iglesia ni Cristo founder at first executive minister na si Ka Felix Manalo. Ang napakainit at pinaka-pinag-uusapang pelikula ay kaliga o kahanay na ngayon ng foreign blockbuster behemoths gaya ng The Aven­gers, Twilight, at Hunger Games series.

Ang advance ticket selling ay available sa mahigit 300 na sinehan sa buong bansa nationwide para maayos at makaiwas ang mga gustong manood ng Felix Manalo sa pagsisiksikan sa opening day, October 7.

Ang premiere night na gaganapin ngayong Linggo sa 55,000-seater Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan ay inaasahang dadaluhan ng 30,000 to 40,000 guests.

Kabilang sa numerong ito ang mahigit 100 artistang may special roles sa pelikula.

Ang malahiganteng okasyon, na mapapanood sa isang five-storey high (120 meters by 40 meters) screen, ay naglalayon ding magtala ng dalawang Guinness Book of World Records para sa largest audience attendance in a film premiere at film screening.

vuukle comment

ACIRC

ALL YOU NEED

ALONTE SPORTS ARENA CARPARK

ANG

ANTOINETTE JADAONE

ATILDE

BOCAUE

FELIX MANALO

LINGGO

PHILIPPINE ARENA

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with